Getting to know each other
Ash’s Point Of View
Sinimulan ko na ang pagsulat ko para kay Smoke dahil ilang linggo na lang ay magpapa-book signing na siya sa Pampanga. Naisip kong gumawa ng poem.
Dear Smoke,
My heart always been flattered whenever I see you.
I want to smile and go with you.
My eyes gazing yours, but sadly to say,
I’m not yours.
Love, your #0 Fan.
Nalulungkot ako habang sinusulat ang iba ko pang mga tula para kay Smoke. Hoping that he’ll accept this.
Narinig ko na may nagtext sa’kin. Si Adam.
Adam:
Hoy. Abo. Di ka sasama? Tara, lol. Tapos shot! Hehe.
Me:
Not today.
I'm on my period.

Umiling-iling ako. Parang nawala ako sa mood. Mahirap ‘mang tanggihan si Adam pero kailangan.
2am na ng matapos ko ang 50 na tula for Smoke. Niyakap ko ang mga ito at hinalikan. Finished product! Marami pa sana akong gagawin na tula for him, pero saka na kapag nabasa niya na lahat ng 50 na’to. Hihi.
Sabado ngayon. Malamang ay maririnig ko nanaman maya-maya ang mga tropa kong baliw. Palagi silang nandirito lalo na ‘pag weekends. Kilalang-kilala na sila ni Mama dahil High school palang ay magkakakilala na kaming lima.
Bumaba ako sa hagdan at naabutan nga ang mga kumag. Si Ethan ay naglalaro ng PSP. Si Drake naman ay nasulyapan ko sa kusina, may katawagan nanaman. For sure, babae nanaman ‘yan. Tsk. Ngumiti siya sa’kin at kinawayan ako. Ngumiti rin ako pabalik. Si Tye naman ay busy’ng-busy maglaro ng cellphone niya habang nakaangat ang dalawang paa sa center table. Tsk. Feel at home, ah.
Umiling-iling ako… “Where’s Adam?” Bungad ko.
Lumingon sa’kin si Ethan at pinause muna ang nilalarong PSP. “Naglalaro ng basketball kasama si Charles.” Tumango ako.
Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Pinandilatan ko naman ang kanina pang may kausap na si Drake.
“C’mon, babe. Mamaya. Sa bahay ha?” Narinig kong sinabi ni Drake sa kausap niya sa phone with using his hot and sexy voice---
Bigla kong naibuga ang tubig na iniinom ko sakanya!
“What the fuck, Ash?” Tumawa ako ng bahagya sa pagkainis niyang iyon.
“I didn’t do anything! My apology. Naibuga ko. Dapat nga sa mukha ‘yan.” Napatawa uli ako at saka siya nilagpasan. Kitang-kita parin ang inis sa mukha ng mayamang si Drake Yu.
BINABASA MO ANG
Walang TAYO [COMPLETED]
Humor"That heart does not belong to him." Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad. Patuloy akong tinutulun...
![Walang TAYO [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/127652739-64-k989484.jpg)