Cheater
Ash’s Point Of View
Exam’s week ngayon. Ito nanaman ang bebe niyo, hindi naman nagle-lesson. Ano pa bang aasahan diba? Eh mas naiisip ko pa yung sinabi sa akin ni Smoke kagabi kaysa sa aral aral aral aral na yan. Simula kasi nung sabihin sa akin ni Smoke na gusto niya ako halos hindi na ako makatulog sa sobrang kilig!
“Talaga? Oh, tapos?” Excited na nakikinig sa akin si Alice habang naglalakad kami papuntang locker room. Talagang nakatitig siya sa mga mata ko na pawang naghihintay ng kwento o naghihintay ng milagro sa aming dalawa ni Smoke.
“Nung sinabi niyang gusto niya ako, hindi na ako nakapagsalita ate girl!” Pagkikwento ko with matching hawak pa sa dibdib ko.
Ang ingay naming dalawa! Feeling namin ay sa amin lang itong buong school. Abot-tenga rin ang ngiti ko habang nagkikwento sa chikchakerang si Alice.
Todo-tili naman ang isang ‘to. Hindi ko alam kung may development naba sa’min ni Smoke. Oh my god!
Nandito na kami ni Alice sa tapat ng locker ko. Hindi parin siya maka-get over sa kwento ko. Pagkatapos kasi naming mag-dinner ni Smoke nung araw na ‘yun, ay inihatid niya na ako sa bahay namin.
Binigay ko narin kay Adam yung prize niya since dinate niya nga si Zeion. Nagbigay ako ng favorite niyang toblerone na malaki. Ayun, tuwang-tuwa si loko.
Puro mura na ang natatanggap ko kay Alice ngayon. Mura na tagos hanggang buto! Hindi mo mawari kung minumura ka ba niya dahil sa sinabi ni Smoke na gusto niya ako o minura niya ako dahil sa galit siyang sinabi sa akin ni Smoke yun.
Umiling-iling na lamang ako sa mga sinasabi ni Alice pero patuloy pa rin ang pagkakilig naming dalawa! Isinaksak ko ang susi ng locker ko at saka ito inikot para mabuksan. Kumunot ang noo ko ng may mapansin akong kakaiba dito sa locker ko.
Ito nanaman. May letter nanaman.
Nagtinginan kaming dalawa ni Alice bago ko buksan ‘yung letter na ‘yun. Ang tinginan na iyon ang nagtatanong sa aming dalawa na, 'Sino nanaman kaya ang nagbigay niyan?' Nagkibit balikat na lamang ako at saka kinuha ang letter na iyon.
Your eyes are the big warning
Your smile that still shimmering
Your face is like an angel
Looks like a light of candle
"Huh? Ano daw?" Bulong ko sa sarili ko. Paulit-ulit na nagtatanong ang aking isipan. Kanino naman kaya galing ito?
Maganda ang penmanship nitong secret admirer na ito. Hindi ko mapagkakaila na mas maganda ang sulat niya kaysa sa akin. Nakalagay ito sa pink na colored paper. Maliit lang ang size nito, mga one-half lang.
Bumaling ang tingin ko kay Alice na ngayon ay abot tenga na ang ngiti. Problema nito?
“Yieee. Baka kay Smoke galing yan.”
Ayokong umasa pero gusto kong umasa na ayoko talagang umasa pero… tangina.
Maski ako ay kinikilig at kinakain ng sistema ko. Niyakap ko yung letter na ‘yun at saka ibinalik sa locker room ko. Pinagmumumura ko naman si Alice dahil sa taglay nitong pagpapaasa sakin na kay Smoke nga galing ‘yon! Sakit kaya umasa. Dama mo rin ba?
BINABASA MO ANG
Walang TAYO [COMPLETED]
Mizah"That heart does not belong to him." Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad. Patuloy akong tinutulun...
![Walang TAYO [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/127652739-64-k989484.jpg)