The Confessions
Ash’s Point Of View
Nang matapos kami ni Smoke sa resto, ay dumiretso na kaming umuwi. 7pm narin kasi at baka gabihin pa siya. Maganda ang kaulapan sa labas at maganda rin ang atmosphere. Tila'y walang traffic kung kaya't madali rin kaming nakarating dito sa subdivision namin.
Wala pa kaming hint kung paano namin mahahanap ang parents ni Smoke sa Laguna. Pero malamang ay alam ng mga madre ang pangalan ng mga magulang niya kung kaya’t una naming pupuntahan ang orphanage na pinagsimulan ni Smoke.
“Salamat, Smoke.” Nakangiting saad ko.
Akmang tatanggalin ko na sana ang seatbelt na nakapalupot sa’kin nang mapagitla ako dahil sa hinawakan niya ang kamay ko. Ramdam ko naman ang init na dumadaloy sa buong katawan ko.
Unti-unti niya akong tinitigan ng mariin at saka siya lumapit saakin ng unti-unti. Shit, hindi ako makahinga! Teka, anong gagawin niya?
He looks so creepy today. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko lalo na't ng unti-unti niyang hawakan ang aking pisngi na naging dahilan para mapaigting muli ang bagang ko sa kaba at takot.
"S-smo---" Hindi niya na ako pinatapos na magsalita. Nagulat ako sa sumunod na nangyari. He kissed my lips at ramdam ko ang init ng kanyang pulang labi.
Nakatulala pa rin ako sa kawalan at nakikita ko ang maganda niyang mukha na nakapikit. It's my first time pero wala akong maramdaman. Medyo tumagal ang pagdampi ni Smoke ng kanyang labi sa akin. Shit, anong ibig sabihin ng mga halik na’to? Gusto niya rin ba ako?
Kaya niya ba ako niyayayang mag-date ay dahil sa gusto niya rin ako? O kaya niya lang ako gusto dahil sa alam niyang gusto ko rin siya? Ayokong mag-isip ng kung ano-ano. I closed my eyes too and also closed my fists. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa aking batok at saka mas lalong diniinan ang pagdampi ng kanyang mga labi sa akin.
Sa isip-isip ko ay parang gusto kong lumuha sa hindi malalamang dahilan. Gusto ko siyang itulak ngunit ramdam kong ginusto ko rin naman. How could I take na hinahayaan kong halikan lamang ako? Kahit na gusto ko siya, if he really likes me, sasabihin niya. Gagawin niya.
Maya-maya ay naramdaman ko ang paghiwalay ng aming mga labi. Sa pagtanggal niyang iyon ay unti-unti niya akong binigyan ng matamis na ngiti. Nanghihina ang tuhod ko dahil sa aksyong pinapakita ni Smoke sa akin.
“Good night, Ash.”
“G-good night, Smoke.”
Hindi pa rin ako makapaniwala. Agad akong bumaba ng kotse niya at tumayo na sa tapat ng pintuan ng bahay namin. Sinundan ko naman siya ng tingin sa pag-alis niya mula sa subdivision ng bahay namin.
Napahawak naman ako sa aking labi at napakagat sa baba ng labi ko. Shit, first kiss ko si Smoke. Ang crush ko! Oh my god.
Pumasok ako sa bahay namin ng may ngiti sa aking labi. Nang hubarin ko ang suot kong sapatos ay tumambad sa paningin ko ang mukha ng mga kaibigan kong mga lalaki. Sina Ethan, Tye, at Adam. Inikot ko ang mata ko sa buong bahay at wala sina Mommy at Charles. Malamang siguro ay nag-dinner date yung dalawang ‘yun.
“Where’s Drake?” Tanong ko sa mga kaibigan kong naglalaro parin ng PSP hanggang ngayon. Si Tye ay nagtetext. Sino naman kaya ang katext nito? Hmm.
Napatingin ako kay Adam. Ang sama nanaman ng tingin niya sa akin. Kumunot ang noo ko at pinagtaasan siya ng kilay. Ano nanamang problema nito?
“I’m here!” Napalingon ako sa kung sino ‘man ang pumasok sa bahay. Si Drake.
“Uyyy! I saw you kissing kissing.”
BINABASA MO ANG
Walang TAYO [COMPLETED]
Humor"That heart does not belong to him." Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad. Patuloy akong tinutulun...
![Walang TAYO [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/127652739-64-k989484.jpg)