This is it!
Adam’s Point Of View
“Pre? Ayos naba ang lahat?” Tanong sa ‘kin ni Tye ngayon sa telepono. Halatang kabado siya dahil bakas sa boses niya ang pagkakaba.
“Oo pre. Kaso, hindi ko pa natetext si Ash.” Sagot ko.
Ilang araw bago namin napagdesisyunan ni Tye na balikan niya si Alice. Alam kong mahirap ang gagawin niya, pati ang gagawin ko. Pero para naman itong lahat sa kaibigan ko.
Gusto kong kausapin si Ash tungkol dito. Nagplano kami ni Tye na dapat ay kasama ko si Ash sa pagpaplano tungkol sa pagbabalikan nina Tye at Alice. Ngunit hindi ko nga matext si Ash dahil sa sobrang pagkaba at paghiya ko.
Narinig ko ang pagtawa ni Tye mula sa kabilang linya…
“Okay lang brad. Natext ko na si Ash, nung isang araw pa.” Aniya.
Nanlaki bigla ang mga mata ko sa narinig. Shit. Parang tatalon ang puso ko sa kaba. Paano na lang kami magkikita nito? Ano, awkward ba? Shit talaga! Para akong bakla sa kinikilos ko.
“P-pre—“
“Don’t worry tol. Ako'ng bahala. Contact’in mo lang siya.” Mas lalong kumabog ang dibdib ko.
Ni hindi ko nga magawang tumingin sa mga mata niya, ang kontakin pa kaya? Bobo rin nito eh!
Nung mga panahon na nakita niya kami ni Crystal sa tapat ng classroom namin, ay hindi talaga sinasadya at nagkataon lamang. Gusto ko sanang itulak si Crystal nung mga panahon na ‘yun para hindi makita ni Ash pero nandun na eh. Nakakabastos naman kung ipagtatabuyan ko pa.
Niyaya kasi ako ni Crystal na mag-date kami at ang lakas pang pumunta sa classroom namin. Mabuti na lang at sobrang aga kong pumasok nung mga oras na ‘yun dahil sa binigay kong basket kay Ashley.
Tama. Ako ang nagbibigay ng mga tula at bulaklak kay Ashley. Alam ni Tita Ely, ang Mommy ni Ash na ako yung nagbibigay. Alam rin ni Charles. Nagkunwari lang sila na may delivery boy pero ako talaga ‘yun. Ang naglagay ng lugar kung saan ako nagpapadala ng bulaklak ay gawa-gawa ko lang.
Oo, ako ang may pakana ng lahat.
Nagsimula ‘yun isang araw nang pumunta ako sa kwarto niya para gisingin siya. Pero bago ko siya gisingin ay may napansin akong kakaiba sa table n’ya.
FLASHBACK
Mga letters. Love letters. Nanliit ang paningin ko nang makita ang mga ‘yun. Unti-unti kong nilapitan ang mga letters na ‘yun na nakalagay sa table ni Ash sa kwarto niya. Ano nanaman ba ang mga ito?
Tiningnan ko isa-isa at sinigurado kong hindi muna magigising si Ash. Binuksan ko ang mahigit kumulang 50 na tula at saka ko inilabas ang cell phone ko. Pinicturan ko ang bawat letters na iyon na nakalagay sa maliit na envelope.
Talagang sinaliksik ko ang bawat laman ng poem na iyon. Nanggagalaiti na ako sa selos pero tangina, wala akong magawa.
Nang matapos kong picturan ang mga poems na ‘yun ay ginising ko si Ashley.
BINABASA MO ANG
Walang TAYO [COMPLETED]
Comédie"That heart does not belong to him." Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad. Patuloy akong tinutulun...
![Walang TAYO [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/127652739-64-k989484.jpg)