Kabanata 24

745 69 4
                                        

Orphanage (The First Heartbreak)


Ash’s Point Of View

Para akong nabagsakan ng langit at lupa simula nang makita ko ang nalaglag na maliit na kulay asul na envelope mula sa Chemistry book ni Smoke. Ayokong umasa ngunit hindi ko talaga maiiwasan. Hindi kaya, ibinigay rin iyon ng ibang fans niya at nagkataon lang na kaparehas ng mga envelope na ibinibigay ko sa kanya?

Idagdag mo pa ang pagtatawanan at paghahagikgikan nina Adam at Crystal kahapon. Jusko, bakit ba ako nagkakaganito? Wala namang problema sa akin kung magtawanan sila at maghagikgikan magdamag--- Wag nga lang sa harapan ko.

Inayos ko na ang mga gamit ko. Magkikita kasi kami ni Smoke mamaya sa coffee shop at pupunta ng Laguna para hanapin ang mga magulang niya sa orphanage na kinalakihan niya. Nandito pa rin ako sa kwarto ko upang mag-impake ng kaunting gamit dahil sa malayo-layo nga ang destinasyon namin mamaya ni Smoke.

Mas pinili kong kunin ang red sleeveless dress ko. Maya-maya ay magtetext narin ‘yun si Smoke.

“Ate! Ate! May bisita ka!”

Nagulantang naman ako ng kumakatok ng mabilis ang kapatid kong si Charles sa pintuan ng kwarto ko. Napakunot naman ako ng noo dahil hindi pa naman nagtetext si Smoke. Pero naka-ready na ako.

Binuksan ko ang pintan ng kwarto ko at bumaba na sa hagdan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Smoke na nakaupo sa sofa namin. Shit, anong ginagawa niya dito?

Mas lalong pumintig ang puso ko nang tumayo siya at may bitbit na bouquet. Ang bouquet. Nagpapaalala nanaman sa akin ang tula at basket na naglalaman ng bouquet na dini-deliver sa akin dito sa bahay at sa school araw-araw.

Kahit na may hint akong si Smoke ang nagpaparating sa akin ng mga ‘yun, ay patuloy parin ako sa pagdedma at hinahayaan ko nalang na itago niya ang mga ganung bagay sa akin. Sa t’wing may magbibigay sa akin ng mga tula, ay niyayakap at nilalasap ko na ang mga ito. Lalo’t naaamoy ko nang kay Smoke nanggaling ang mga iyon.

Pumunta ako patungo sa sofa kung saan nakatayo si Smoke. Nakangiti siya at tinitigan ako simula ulo hanggang paa. Shit, lalong nag-iinit ang mukha ko. Lalo na ng titigan ko ang singkit niyang mga mata.

Iniabot niya sa akin ang bouquet na naglalaman ng favorite kong sunflowers. A-ano ba ito? Alam na alam niya ang gusto ko!

“T-thank you.” Kabado kong tinaggap ang bouquet na iyon.

“Yieee! Ate has a Boyfriend!" Pangangatyaw naman ng kapatid kong si Charles na katabi lang si Mama.

Nakangiti silang dalawa at saka ako umiling-iling. “Hindi ko siya Boyfriend ‘no.”

“You look beautiful today, Ash. Araw-araw.” Tumaas ang mga balahibo ko ng ibulong sa akin ni Smoke iyon. Gahd usok! Bakit mo ba ako pinapakilig ng ganito?

Napakagat ako sa lower lip ko at saka siya binigyan ng pilit na ngiti. “Shall we?” Saad ko.

Tumango siya at ibinigay sa akin ang nakatiklop niyang braso at ang kanyang kamao ay nasa tapat ng kanyang tiyan. Daig niya pa ang nag-aalok sa akin ng sayaw.

Tiningnan niya ang kanyang braso at hinihintay na lamang na tanggapin ko iyon. Tiningnan ko muna siya at saka inilusot ang aking braso sa braso niya. Kumbaga ay naka-aklay ako sa braso niya.

Para kaming tutungo sa red carpet. Lalo na kung makakasama ko ang gwapong ito. Ang sarap sa feeling! Bakit ganito? Dati ay crush ko lang siya, ngayon ay kasama ko na.

Nandito na kami sa tapat ng kotse niya at binuksan naman niya ang front seat para makasakay ako.

“Wait.” Saad niya na ikinanuot ng noo ko.

Walang TAYO [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon