Kabanata 30

704 59 7
                                    

Text Message


Ash’s Point Of View

Nandito kami sa sasakyan ngayon at pawang nag-iba nanaman ang awra ni Adam. Nagdidilim pa rin ang mga mata niya at kitang-kita ko ang pagkayukom ng kanyang kamay.

"Ihahatid na kita sa inyo." Suhestyon ko. Alam kong nagulat rin mismo ang dalawa but I have to talk to Adam. Right. Now.

Ramdam ko ang paglingon niya sa akin, "For what?" Medyo iritableng asik nito.

Hindi na ako sumagot. Sa halip ay ipinagpapatuloy ko ang pagmamaneho ko. Alam kong wala akong kotse, pero tinuruan naman na ako ni Daddy dati pa kung paano mag-maneho. Since subdevision lang naman ang lugar namin, ay madali ka nalang makakapag-driving lesson dahil bihira lang naman ang mga sasakyan doon.











Nandito na ako sa bahay nila Adam. Hindi muna ako dumiretso sa bahay namin dahil sa tulog na sila Mommy at Charles at ayoko naman silang magising.

Pansin ko rin naman na tulog na ang pamilya ni Adam kung kaya't sa kwarto na lang kami mag-uusap--- ng walang malisya.

"Bakit napapunta ka dito?" Masungit na asik nito. Ayokong nagkakaganyan siya.

Umupo ako sa sofa nitong kwarto niya at siya nama'y nagtanggal ng jacket at bag. Maya-maya ay tumabi na rin ito sa akin dito sa sofa.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita, "Bakit mo ginawa yun?" Diretsahang tanong ko.

Sinundan ko ng tingin ang pag-iling niya, hudyat na talagang galit na siya at sasabog na.

"Alam mo Ash, kung magagalit ka lang sa akin dahil mahal mo pa si Sm---"


"Mahal kita."


Tila'y nag-lock ang panga niya sa sinabi kong iyon. Shit! Bakit ba ako nadulas? Ugh. Nakakanis naman!

"Shit. Shit. Shit!" Ilang beses kong hinahampas ang ulo ko sa kahihiyan.

"Shhh. Shh. Don't hurt yourself. Mahal rin kita. Tangina, Ash. Kinikilig ako!"

Natawa ako sa huling reaksyon ni Adam. Tila'y tumayo pa siya at nagsisisigaw sa tuwa!

"Wohooo!!"

"Hey Adam, stop!"

Maya-maya'y napatayo na rin ako mula sa aking pagkakaupo at saka sinalubong siya ng malaking yakap.

"Ash?"

"Hmm?"

"If you will listen to my breaths closely, you will hear the words 'I love you' coming out with every single one. I am literally living for you, and only you. I love you."

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko kay Adam at saka binitawan rin siya kaagad. May gusto rin akong sabihin sa kanya.

Hinawakan ko ang magkabilag pisngi niya kasabay ng mariin kong pagtitig sa mapupungay niyang mga mata. Binigyan ko rin siya ng matamis na ngiti at tila'y nagngingilid ang aking mga mata sa hapdi.

"Adam?" Mahinahong pagtawag ko sa kanya. Ramdam ko rin naman ang paghawak niya sa likod ng aking bewang.

"Hmm?" Kunot-noong tanong nito.

"The truth? I like you. A lot. You make me happy, you make me feel special, you make me laugh, you're crazy and lazy. But still, you're my favorite person. I love you too."

Walang TAYO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon