Go, get my number.
Ash’s POV
“Oh. He’s here!” Tumayo si Zeion at tinuro ang nasa likuran ko.
Nagsitingan ang lahat ng mga kaibigan ko sa kung sino ang tinuturo ni Zeion sa bandang likuran ko sa may entrance. Hindi ako lumingon dahil sa nakaramdam ako ng init sa mga pisngi ko. Shit. Si Smoke ‘yun, alam ko!
“Sorry, I’m late.” My heart jumps when I heard his deep voice!
Hindi parin ako tumitingin sa mga mata niya dahil baka mahalata ng mga kaibigan ko ang pagka-blush ng mukha ko. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang itsura ni Adam na nasa tapat ko. Magkadikit ang mga kamay ni Adam at tumatalim ang tingin sa’kin.
Kinabahan naman ako bigla sa inasta ng isang ‘to na naging dahilan para mas lalong kumaripas ang takbo ng puso ko! Anong problem nito?
Tinaasan ko ng kilay si Adam para hindi niya mahalata na kinakabahan ako sa mga matatalim na tingin niya sa’kin. Mas lalo naman akong kinilabutan sa pagngisi niya na akala mo ay nakakaloko na.
“Ash! Meet kuya Smoke!” Bumalik ako sa realidad ng mapagtanto kong kanina pa pala ako kinakausap ni Zeion. Iniangat ko ang paningin ko sa nakatayong si Smoke.
Shit, ‘yung puso ko!
Ngumiti siya sa’kin. Ngumiti siya!
“H-hi.” Nag-bow ako at ngumiti ng tipid kay Smoke.
“Smoke.” Nakaramdam ako ng pagkulo sa tiyan ko ng ilahad niya saakin ang kamay niya at binigyan ako ng matamis na ngiti. Shemay. Sasabog na ako!
Tinanggap ko ang ang pag-alok niya sa kanyang kamay. Nakipag-shake hands ako kay Smoke at ito ang naging dahilan para tuksuhin kami ng mga kaibigan ko! Takte. Hindi pa naman alam ni Smoke na gusto ko siya.
Ang lambot ng kamay niya at halatang hindi siya nagkikikilos sa bahay nila. Bigla kong binitawan ang kamay ni Smoke at tumingin sa banda ni Adam na ngayon ay nagdidilim na ang mata at ekspresyon sa mukha.
Umupo na si Smoke sa tabi ni Adam dahil sa may bakanteng pwesto pa doon. Naka-round table kasi kami at saaming banda ang may pinakamalaking pwesto kumpara sa ibang costumers na nandirito. Naka-180 degrees rin ang malaking upuan namin kung kaya’t tabi-tabi kami.
Katabi ko si Tye sa bandang kaliwa ko at si Alice naman sa kanan ko. Para akong isang puso na namamagitan sa kanilang dalawa.
Si Adam naman ay nasa tapat ko. Katabi niya si Zeion sa kaliwa na sobrang crush siya at si Smoke naman ang nasa kanan ni Adam.
Sa bandang gitna naman sina Drake, Ethan, at Irish.
Since magkakaibigan naman ang tatlong nasa gitna ay wala ng halong alinlangan sa pagitan nila. Magkakaklase kasi sila noon sa Rich Academy nung elementary.
Walang-wala ako kumpara sa mga pinsan ko. Halos lahat ng pinsan at mga kamag-anak ko ay mayayaman talaga. Halos lahat ay nagtatrabaho na sa iba’t-ibang bansa. Kung ikukumpara saakin, sila Mommy’t Daddy ay business man and woman sa mga condo-unit sa iba’t-ibang lugar. Wala akong mapagmamalaki kasi tamad akong mag-aral. Sobrang tamad kong mag-aral.
Binaling ko ang atensyon ko kay Adam na tumayo. Umalis siya sa kinauupuan niya at pansin kong sa CR ang punta niya.
“So, Smoke. Kailan ang book signing mo sa Pampanga?” Napagitla ako at napatingin sa direksyon nila Ethan ng tanungin niya si Smoke.
Magkaibigan ang Yu brothers at si Smoke. Sa sobrang sikat kasi ng mga ‘to ay talagang magkakasundo sila.
Napatingin naman ako sa banda ni Smoke. Seryoso lamang ang mukha niya ng tumingin kay Ethan. “This Friday na.” Aniya.
Humagikgik si Ethan at laking gulat ko ng tumingin siya sa’kin. “Do you want to come there, Ash? Sasamahan kita.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing ‘yun ni Ethan. Bumalik ang tingin ko kay Smoke at mukhang nahahalata niyang namumula na ng todo ang pisngi ko. Kung kaya’t hinawakan ko ang pisngi ko. Shit! Sasabog na ko!
“A-ah. Hindi na.” Umiling ako at saka ngumiti ng tipid.
Gusto ko mang sabihin na gustong-gusto kong sumama sa book signing ni Smoke, pero mukhang ayoko dahil sa ayoko ngang tuksuhin nila ako. Sa book signing ni Smoke, tiyak na hindi ko talaga ipapakita ‘yung mukha ko.
“Yieee! Sige na.” Pangungutya ni Zeion.
“L-labas muna ako.” Nangangaralgal na saad ko at saka ako tumayo. Hindi ko na kaya dito, nawawalan na ako ng oxygen sa sobrang hot ni Smoke. Jusko!
Tumango lang ang mga kaibigan ko at saka ako lumabas. Kahit aircon ang loob ng bar, hindi ko parin kaya ang kainitan ng pisngi ko. Patuloy na kumakabog parin ‘yung puso ko. Woooh!
Namalagi muna ako dito sa labas ng bar at saka ko naisipang kunin ang cellphone ko. Pinindot ko ang gallery at saka tiningnan ang iba’t-ibang tula na ibibigay ko kay Smoke sa book signing niya.
“Namumula ka ah. Mainit ba sa loob?” Gahd! Muntik ko ng malaglag ang cell phone ko sa gulat!
“Jesus Chris---” Dali-daling nanlaki ang mga mata ko at saka itinago ang phone sa likod ko nang makita siya. “S-smoke?”
Shit. Nanginginig na ang buong katawan ko. Ang mga paru-paro sa tiyan ko, mukhang nagwawala nanaman! Shocks. Nakita niya kaya kung ano ‘yung kinakalikot ko sa gallery ko? Dammit! Di niya pwedeng makita yun!
Mas natulala ako ng makita kong tumawa siya. “You’re adorable, Ash.”
Shit. Ano uli ‘yung sinabi niya?
Adorable?
Tangina. Magwawala ako dito!
“H-ha?”
“I said, you’re adorable. Anyway, pwede ko bang kunin number mo?”
Shit number 2. Hindi ako makahinga! Nananaginip ba ako?
Napalunok ako bigla. “P-pakisampal nga ako.” Seryosong saad ko na naging dahilan para matawa siya.
Itinaas niya ang kilay niya. “It’s okay, Ash. Kung ayaw mo. Anyway, di ka pa ba papaso—“
“Ay! Oo, ito ‘yung number ko.”
Bigla akong nabuhayan ng loob ng marealize kong hindi nga ako nananaginip. Shet! Ito na ba? Ito na ba?
Abot-tenga kong nilipat ang cellphone ko sa contacts at saka hinanap ang number ko. Inabot ko sa kanya ang cellphone ko at kinuha niya naman kaagad ito.
Oh my god! Totoo ba ‘to? Ang isang Smoke Sovar, hinihingi ang number ng isang katulad ko? Shit. No way! Di ako makahinga!
Binalik niya ang cellphone ko ng walang ekspresyon. Ano pa bang aasahan ko? Never ko ngang nakitang ngumiti ang grade conscious na’to. Maliban lang kanina, pero kulang pa yun eh.
“S-seryoso kaba?” Nanginginig kong tinanggap ang cellphone ko.
“Oo. Seryosong-seryoso.”
•••
A/N: Hi Readers! Sorry sorry sorry. Lalo na sa slow update. Busy kasi ako sa OJT plus ang daming tambak na requirements. Huhu. I'm really sorry guys. I hope that you'll understand. I love you all. Ü
P.S: 2 updates today. Ciao! Ü
BINABASA MO ANG
Walang TAYO [COMPLETED]
Humor"That heart does not belong to him." Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad. Patuloy akong tinutulun...
![Walang TAYO [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/127652739-64-k989484.jpg)