There’s a Return?
Adam’s Point Of View
Nandito na kami ni Tye sa bahay nila Alice. Hindi naman ito ang first time kong pagpunta sa bahay nila Alice pero parang may nagbago kasi. Parang biglang laki nitong bahay nila. Siguro, pina-rennovate nila ito.
“Good afternoon, Tita.” Sabay naming pagbati kay Tita Dulce, ang Mommy ni Alice.
Mukhang nasa fourthies ang edad ni Tita Dulce. Medyo may kapayatan rin ito ngunit sobra niyang ganda. Isama mo pa ang kulot-kulot niyang buhok at makinis na balat.
Pinaupo niya kami ni Tye dito sa mahaba nilang sofa at kukuha lang daw siya ng makakain namin. Halos kanina pa kami walang kibo ni Tye simula nung magpunta kami dito sa bahay nila Alice. Nahihiya kahit makapal naman ang mukha.
Iniisip ko kung nasaan na sila Ash at Alice ngayon. Malamang ay nagiikot-ikot lang sila. Iniisip ko rin kasi ‘yung nangyari kanina. Tiyak, ako nanaman ang gumawa ng daanan para magkaroon ng awkwardness sa amin ni Ash. Pero sawa na ako, eh. Sawa na akong hindi kami magpansinan.
“Kumusta? Nag-usap ba kayo?” Napagitla ako sa tanong ni Tye sa’kin na katabi ko lang.
Tumango-tango ako. “Sinaktan siya ni Smoke.”
Sa pagkakasabi kong iyon ay biglang napabago ng pwesto si Tye. Binago niya ang kanyang kinauupuan at napakapit ang isa niyang kamay sa sofa, humarap naman siya sa akin na pawang gulat na gulat.
“Anong gusto mong gawin natin ‘dun?” Aniya.
Umiling-iling ako at nakatingin parin sa center table ng sala nila Alice. “Mabait naman si Smoke, eh. Kaya huwag nalang natin siyang pansinin.” Saad ko.
Alam kong napakagago ko para hindi protektahan ang babaeng pinakamamahal ko mula sa lalaking nanakit sa kanya. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Ang dumagdag pa sa problema ni Ash? Kapag sinaktan ba namin si Smoke, may mangyayari ba? Mababawi niya ba ang lahat ng masasakit na salitang binitawan niya kay Ash?
Sa palagay ko, hindi. Mas lalo lang akong makakadagdag sa pinagdadaanan ni Ash kapag ginawa ko ang iniisip ni Tye.
“P-pero bra---“
“Hi, boys. Miryenda na?” Naputol ang pagsasalita ni Tye nang dumating na si Tita Dulce habang may bitbit na isang tray at naglalaman ng dalawang juice at cookies.
Sabay kaming napatayo ni Tye. “Ako na po, tita.” Nagpapa-goodvibes nanaman ang tropa ko at kinuha kaagad ang tray na hawak-hawak ni Tita.
“Salamat, mabait ka pa rin talaga Tye.” Nakangiting saad ni Tita. Bigla naman akong nabulunan sa pagkakasabing iyon. Compliment ba ‘yun o sarkastiko?
Lumingon sa akin si Tye at sabay na kaming umupo uli. Pinandilatan niya ako ng mata na naging dahilan para humagikgik ako sa tawa.
“Nilinis ko na pala ang kwarto ni Alice. Good luck sa gagawin mo, Tye. Sana ay magkabalikan kayo.”
Maski ako ay parang nakaramdam ng tuwa at galak nang sabihin ni Tita Dulce iyon kay Tye. Hanggang ngayon ay ramdam kong boto parin ito kay Tye kahit na alam nilang ang lumabas ay niloko ni Tye si Alice.
Nagkatinginan kami ni Tye at nagtanguan na lang.
Natapos kami sa pagmimeryenda nang pasukin na namin ang kwarto ni Alice. Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng kanyang medyo malaking kwarto at nakapaskil pa rin sa dingding ang mga litrato nila ni Tye.
BINABASA MO ANG
Walang TAYO [COMPLETED]
Humor"That heart does not belong to him." Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad. Patuloy akong tinutulun...