Sino ka?
A/N: MUST READ. Ang susunod na eksena ay isa pong timeline. Na kung saan ay ito ang mga araw na nasa Hospital si Ashley sa iba’t-ibang araw o petsa.
☆-------》《--------☆
Ash’s Point Of View
Unti-unti kong pinihit ang door knob dito sa room ni Adam. Bitbit ko ang isang sunflower na bulaklak na nakalagay sa basket. Alam kong matutuwa siya lalo na nang makita niyang masaya akong makita siya.
Bumuntong-hininga ako bago pumasok,
“Hi!” Laking tuwa ang binungad ko nang makita si Adam na buhay at nakaupo sa kanyang kama dito sa hospital.
“Kumusta kana, honey?” Inilapag ko ang sunflower bouquet sa katabi niyang hospital table.
Nakakunot ang noo niya sa’kin at pawang tinititigan ako ng nagtataka.
“Sino ka?”
Biglang nag-init ang mga mata ko nang marinig ang mga katagang iyon mula sa kanya. Alam kong hindi niya ako naalala, at alam kong ang puso ni Smoke ay nasa kanya. Kung kaya’t magpapakilala ako at iuurong muna ang mga luha na nagbabalak na tumulo ngayon.
“A-ako si Ashley. Girlfriend mo ‘ko, hindi mo ba ako naalala?” Umiling-iling siya na ikinasakit ng puso ko. Tumingin siya kay Tita Ellen, “Ma, sino siya?”
“Siya si Ashley, girlfriend mo.” Aniya.
Patuloy kong binibigay ang matatamis na ngiti kay Adam ngayon kahit na durog na durog na ako.
“Uhm. Love, may inihanda akong favorite adobo mo at tsaka sunflower na bouquet. Favorite mo ‘yang ibigay sa’kin noon diba?”
Tiningnan niya nang nakakunot-noo pa rin ang mga idinala ko sa hospital table, “Hindi. Allergic ako sa sunflower. Tsaka, sino ka ba? Bakit kita bibigyan ng ganyan?”
Sa pagkakataong ito, mas dumurog ang puso ko. Hindi ko na napigilan ang mga maanghang na salitang iyon. Tiningnan ko lamang si Tita Ellen dahil sa gustong-gusto ko nang umiyak. Ngunit tinanguan niya ako na nagsasabing kaya ko pang lumaban.
SUNDAY (04-12-15)
“Good morning, honey ko!” Masaya kong pagbati kay Adam. Bitbit ko ang sunflower bouquet at ang niluto kong paksiw.
“Sino ka?” Nakakunot-noo niyang tanong sa’kin.
“Ako si Ashley, Girlfriend mo ‘ko. Hindi mo ba ko naalala?”
Umiling-iling siya, “Hindi”.
“Oh siya, pinagluto kita ng paborito mo ring paksiw. Kain kana.”
Sinubuan ko si Adam ng niluto kong paksiw. Mukhang nasarapan naman siya doon. Kung kaya’t nagagalak rin naman akong makita siyang ganito.
TUESDAY (04-14-15)
“Love, sabi ng Doctor, konting kembot na lang daw at gagaling ka na!” Masayang saad ko kay Adam.
“Sino ka nga, ulit?” Bumuntong-hininga ako sa kanyang katanungan, “Ako si Ashley. Girlfriend mo ‘ko. Hindi mo ba ako naaalala?”
Umiling-iling ulit siya.
Maya-maya ay narinig namin ni Adam ang pagbukas ng kanyang kwarto.
“Hi Adam!”
“Hi bro!”
BINABASA MO ANG
Walang TAYO [COMPLETED]
Humor"That heart does not belong to him." Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad. Patuloy akong tinutulun...
![Walang TAYO [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/127652739-64-k989484.jpg)