Book Signing.
Ash’s Point Of View
Nandito na ako sa SM Pampanga. Hindi ko nalang pinansin ang text sa’kin ni Zeion dahil ayoko rin ng away. Alam ko namang may mali rin ako, eh. Kahit sino naman yata, kapag nakita mong ganun yung ginagawa ng crush mo at ang malala pa, kasama ng taong gusto mo yung taong pinagkatiwalaan mo.
Huminga ako ng malalim at dali-dali nang pumasok sa loob ng mall at kumaripas ng takbo. Nagpa-check ng bag sa entrance and… Shit! 5:30 na. Gahd.
Kabanas. Nage-effort ka pang buksan yung bag mong napakalaki, tapos tutusukin lang pala ng Security Guard!
Mangiyak-ngiyak na ako nang maabutan kong nakapila ang halos tatlong-daang katao sa loob ng mall para lang makapag-book signing kay Smoke. Halos lahat ay puro kababaihan. Ganun siya kagwapo at kagaling!
Hindi ako nagpatalo. Sa halip ay niliitan ko ang mata ko at saka ko sinuot ang mask kong itim na nasa bandang bibig para hindi ako ma-recognize ni Smoke. Niready ko narin ang libro at ang tulang dala ko saka ako kumaripas ng takbo sa pilahan. Kailangan ay hindi talaga malaman ni Smoke na nandirito ako. Nakakahiya.
“Excuse me. Excuse me.”
Nakipagsingitan ako sa pila para lang makaabot sa book signing ni Smoke. Hinahawi ko sila ng bongga para lang mapunta sa unahan. Ganun kakapal ang mukha ko!
Marami akong narinig na mga bruhildang galit sa’kin! Ano pa bang inaasahan, diba? Sumingit ba naman ako sa pila, eh.
Hindi ko nalang pinansin iyon at saka ako nag-isip ng ideya para mauna sa mga babaeng ‘to. Pinabalik ba naman nila ako sa dulo. Buti na nga lang at hindi narinig ng guards o kung sinumang staff na nandirito, eh.
Pumunta ako sa Girls Comfort Room. Dahil sa girl scout ako ay kinuha ko ang ilan sa mga damit sa bag ko. Emergency kasi ‘yun, in case na pagpawisan. Ganern.
Pumasok ako sa isang cubicle room dito sa CR, bitbit ang itim kong bag. Nirolyo ko ang mga damit na dala ko at saka inilagay sa tiyan ko. Parang buntis ba! Great idea.
Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na ako ng cubicle. Dahil sa ako lang ang nandirito sa girls CR, ay safe na safe ako. Halos lahat kasi sila ay busy’ng-busy sa pagpapa-book signing sa Smoke. KO.
Tumapat ako sa salamin ng CR na’to. Medyo binend ko ang tiyan ko paharap para mas magmukhang malaki ang tiyan ko. Inayos ko rin maigi ang mask ko para hindi ako mahalata ng ibang tao at lalo na si Smoke. Ginamit ko rin ang mga daliri ko para suklayan ang bagsak kong buhok. Para magmukhang maganda naman sa paningin ni Smoke.
Huminga ako ng malalim saka lumabas ng CR. Hawak-hawak ko parin ang librong gawa ni Smoke at bitbit naman ng kanang balikat ko ang bag kong itim.
Saktong nakakita ako ng security guard paglabas ko ng Girls’ Comfort Room. Nakatutok ang Security Guard sa stage kung saan may mga nagpapa-book signing kay Smoke.
“K-kuya.” Nag-iinarteng tono ng boses ko ng tawagin ko ang security guard.
Nakalagay ang kanang kamay ko sa aking likuran na naka-bend paharap at ang kaliwang kamay ko naman sa libro ni Smoke.
“Hala, miss! Ayos lang ho ba kayo?” Dali-daling pumunta ang Security Guard sa pwesto ko sa labas ng pintuan ng Girls Comfort Room. Inaalalayan niya naman ako papalabas ng CR.
Tumango-tango ako.. “D-diba po, VIP ang mga buntis?” Dagdag ko pa.
Tumango si Manong guard.. “Wait lang po Miss, kakausapin ko lang po yung manager ni Smoke.” Aniya.
Umalis ang security guard sa harapan ko. Mas lalo kong ginalingan ang pag-acting para mapunta ako sa harapan ni Smoke. Amazing diba? Buntis na nagpapa-book signing!
Maya-maya ay bumalik na ang Security Guard sa tapat ko. Makisig ang pangangatawan nito at mukha namang malinis tingnan. Mga 6'5 ang taas ni Kuyang Security Guard at mukhang nasa thirthies lang ang edad niya.
Narinig ko naman sa bandang stage na nakikisuyo ang mga staffs sa mga fans ni Smoke na may buntis ngang nandirito. At ako ‘yun. At ang tingin nila sa akin? Ayun, mukhang kaawa-awang babaeng buntis slashed nakakairitang tingin.
Pumikit ako ng ilang segundo at pagmula ko ay nakita kong lumingon si Smoke sa banda ko na ikinagulat ko naman! Shit. Paano kung mahuli niya ako? Fuckkkk.
“Tara na po, Miss?” Tumango ako sa Security Guard kahit na medyo kinakabahan.
Inalalayan niya ako hanggang sa stage kung saan naroon si Smoke. Laking ngiti naman ang dumadaloy sa loob-looban ko lalo na’t nang makita ko ang cold niyang mga mata na nakatingin saakin. Ang gwapo niya talaga. Malapit ‘man o malayo.
Nandito na ako sa gilid ni Smoke at saka ko inabot ang libro niyang ipapa-book sign ko.
“Name?” Cold na tanong niya.
Kumawala naman ang mga paru-paro sa tiyan ko! Shit. Napakagaling mo talaga, Ash!
Kinakabahan ako dahil sa wala akong maisip na pangalan. Wait..
Uhm, ito!
“G-geneva.” Kinakabahan na sagot ko.
Tumango-tango siya at nakita ko ang pagpirma niya sa libro ko. Wooh! Ang ganda talaga ng mga sulat niya gamit ang kanyang kanang kamay! Dammit!
Nang matapos na ni Smoke ang pagpirma sa libro niya ay unti-unti akong lumapit sa kanya para magpa-picture. Kitang-kita naman ng mga mata ko ang mga nanggigigil na bagang ng mga kababaihan dito. Sorry nalang kayo.
“1… 2... 3… Smile!” Sabi ng photographer nang picturan niya kami ni Smoke.
Natapos ang pagpapicture ko at book signing ngunit muntik ko ng makalimutan ang ibibigay kong tula para sa kanya. Iniabot ko sakanya ang maliit na blue’ng envelope na naglalaman ng puting papel kung saan ay nakalahad doon ang isa sa mga tula ko--- at tsaka ang anklet na half moon para sa kanya.
“P-para sa’yo…” Nag-bow ako sa kanya nang iabot ng nanginginig na dalawang kamay ko ang envelope na iyon.
“Salamat.”
Sa huling pagkakataon, bago ako makaalis sa tabi ni Smoke ay tumingin siya sa mga mata ko. Nagtagpo naman ang mga mata namin na naging dahilan para mamula ang pisngi ko.
Naglalakad ako hanggang second floor at dumiretso na uli sa CR. Pagkarating ko doon ay inalis ko lahat ng damit sa tiyan ko at inayos muli ang aking sarili. Paglabas ko ng cubicle ay nginitian ko na ang sarili ko sa harap ng salamin.
"Good job, Ash." I muttered.
"Lahat ng paghihirap na ginawa mo ay worth it."
BINABASA MO ANG
Walang TAYO [COMPLETED]
Comédie"That heart does not belong to him." Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad. Patuloy akong tinutulun...
![Walang TAYO [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/127652739-64-k989484.jpg)