Adam’s Point Of View
Naramdaman kong nanginig ang cell phone ko. Hudyat na mayroong nagtext sa akin. Tatlong tao lang naman ang posibleng magtext sa akin. Sina Crystal, Zeion, o Tye.
Malamya kong kinuha ang cell phone ko na katabi ko lang dito sa kama.
Iminulat ko ang aking mga mata ng dahan-dahan. Ngunit bigla itong namulat ng napakalaki at namilog nang matanggap ko ang text na hindi ko inaasahan!
Shit! S-si… Ash?!
Nagtext siya sa akin!
Napatalon ako sa tuwa at napatayo sa aking kama. Walang pero-pero kong binuksan ang text message na iyon mula kay Ash.
Ash:
Adam. Sama ka sa’kin mamaya. Bili tayo ng gamit para sa mag-couple.
P.S: Alam kong walang TAYO.
Napangiti naman ako sa natanggap kong text na iyon. Shit! Shit! Shit! Para na akong binabakla sa sobrang kilig!
Dammit! Halos kanina pa ako nagtatatalon dito sa sobrang saya! Walang humpay kong hinahalikan ang aking cell phone ng paulit-ulit. Woooooh!
Tinext ako ni Abo!
Kanina pa ako nandito sa tapat ng NBS. 3pm ang usapan ng pagkikita namin ni Ash pero 2PM palang ay nandito na ako sa meeting place namin. Nakasuot ako ng alam kong pogi sa paningin niya. Syempre, ang itim na polo. Nagpagupit na rin ako dahil napansin kong mahaba na ang buhok ko. At nagsuot rin ako ng bago kong maong pants at naka-itim na nike shoes.
Mahigpit kong hawak ang cellphone ko na kanina pa naghihintay sa mumunting text ni Ash. Bawat tingin ko sa oras ay napapakagat ako sa lower lip ko at titingin sa nakapatay na screen ng cell phone ko at saka papasadahan ng kamay ko ang bagong gupit kong buhok.
"I’m so excited to see you, my Princess." Bulong ko sa aking sarili nang makita ko ang reflection ng sarili ko sa screen ng aking cell phone.
Maya-maya pa ay napatingin ako sa wrist watch ko. 3:15 na pero hindi manlang ako nakakaramdam ng pangangalay o sakit ng binti kahit na mahigit isang oras na akong nakatayo sa tapat ng NBS.
Nanliit ang mga mata ko nang makita ang pinakamagandang babae sa paningin ko. Siya ay papasok sa entrance door ng Mall habang nagpapa-check ng kanyang bag sa body guard.
Shit. Parang nagi-slow motion ang paningin ko. Napapauwang rin ang bibig ko dahil sa sobrang ganda ng Ashley Salvador ko.
Damn this hot girl. I’m so obsessed with you.
“Huy, ayos ka lang?!” Napagitla ako nang makita si Ashley na nasa tapat ko na pala at wine-wave ang kanyang kamay sa harap ng mukha ko.
Sa sobrang ganda ba naman niya ay talagang mapapanganga na ako.
“Shall we?” Hindi niya manlang hinintay na kumaway ako sa kanya. Sa halip, ay patuloy siya sa pagpasok sa loob ng NBS.
Alam kong ginagawa lang namin ‘to dahil sa gusto naming tulungan ang mga kaibigan namin na muling magkabalikan. But after this, wala na. As in, wala na talaga.
Dammit!
Nang matapos kami sa pagbili ni Ash sa NBS ay tinext niya na kaagad si Alice na aalis sila ngayon at magkikita sa Mall.
Plano kasi naming tatlo na sa bahay mismo nila Alice mag-celebrate ng ‘Muling Ibalik’ segment. Alam rin ng parents ni Alice dahil kilala kami nito. Sa loob ng ilang taon na pagiging magkasintahan nila Alice at Tye ay legal sila sa mga magulang nito.
BINABASA MO ANG
Walang TAYO [COMPLETED]
Humor"That heart does not belong to him." Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad. Patuloy akong tinutulun...
![Walang TAYO [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/127652739-64-k989484.jpg)