Kabanata 25

684 66 12
                                    

Rejected present

Ash’s Point Of View

“You alright?” Kunot-noong tanong ko kay Smoke dito sa loob ng sasakyan.

Matapos kasing ibigay sa amin ni Mother ang folder niya ay talagang hindi na mabitawan ito ni Smoke at talagang tinago niya na ang litrato ng kanyang mga magulang sa kanyang wallet.

Tumango siya at binigyan ako ng mapait na ngiti. “Hindi ko alam kung paano sila mahahanap ngayon.” Dumiretso uli ang tingin niya sa kalsada at seryosong nagmamaneho.

Hindi parin mawala sa isip ko kung sino ang mga magulang ni Smoke. Alam kong kilala ko ang mga iyon, pero hindi ko nga lang mamukhaan dahil sa mukhang dalaga’t-binata pa ang mga magulang ni Smoke ng kuhanan ang litratong iyon. Medyo may pagka-vintage na rin ang litratong iyon sa sobrang luma.

Hindi na ako nagtanong kay Smoke dahil sa ayoko naring makadagdag pa sa isipan niya. Mukhang maraming bumabagabag sa isipan niya ngayon. Gusto ko siyang yakapin sandali ngunit may nagpipigil sa akin para gawin iyon.

Maya-maya ay narinig ko ang pagkanginig ng cell phone ko mula sa maliit kong shoulder bag. Hudyat na may nagtext sa akin.

Nakita ko ang pangalan ni Zeion sa notifications ng cellphone ko. Agad ko namang binuksan iyon para mabasa.

Zeion:

Hey, ashyy. Where art thou? Are you with kuya?

Napasinghap naman ako at ibinaling ang tingin sa mukha ni Smoke na seryoso parin sa pagmamaneho.

Muli kong in-open ang phone ko at nireplayan si Zeion.

Me:

Yep. Natu-tutor kami.

Pinindot ko ang ‘send’ button at muling ibinaling ang tingin kay Smoke.

“Di ka nagpaalam sa kanila?” Sinagot niya ako nang hindi tumitingin sa akin.

Umiling-iling siya. “I don’t want them to worry about me.” Malamig na sagot niya.

“But they are your parents.”

“I have to find my real parents.”

Suminghot ako ng malakas na hangin mula sa aircon ng kotseng ito. Ayoko ng makipagtalo sa Smoke KO dahil sa ayoko naring magkadagdag pa.

“Ashley. I wanna tell you a secret.” Napatingin naman ako sa kanya na nasa tabi ko lang.

“Hmm?” At hinihintay ang kasunod niyang sasabihin.

“I found this girl with a mask tuwing nagbo-book signing ako,” Aniya.

“Is she beautiful?” Tanong ko at parang may biglang tumusok sa puso ko ng unti-unti.

Tumawa siya ng bahagya at biglang napaayos ng kanyang upo. “I don’t know. Maybe? Kasi, palaging nakatakip ang bibig niya.” Ganadong pagkikwento niya.

So it means, namumukhaan niya ako tuwing nagpapa-book signing siya? But how? Palagi naman akong nagtatali ng buhok or nagiiba ng itsura ng mga mata. Paano kaya yun?

Alam niya na ba? May hint na kaya siya na ako at ang babaeng naka-mask ay iisa?

“And she sends me a lot of poem. Hmm, mga 30 poems na nga ang nasend niya sakin, eh.” Tumango-tango ako.

“At tsaka binigay ko na rin yung number ko sa kanya. How great avid is she di ‘ba?” Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

Bakit ganito na ngayon yung nararamdaman ko? Wala naman akong dapat ika-guilty kasi ako naman ‘yun. It’s me. Nagtatalo lang sa itim na maskara sa bibig. Pero bakit parang unti-unting nadudurog ang puso ko ngayon?

Walang TAYO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon