BestfriEND
Ash’s Point Of View
I hate you, Adamn. Paano mo nagawang biruin ako ng ganun? Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko kung paano nagsimula ang ganoong eksena kagabi. Gusto kong magpakalasing dahil sa sunod-sunod na pangyayari kagabi na hindi ko talaga inaasahan. Para akong masisiraan ng bait!
Una, hinalikan ako ni Smoke. Aaminin ko, nasiyahan ako sa ginawa niyang iyon pero may parte sa puso ko na nasasaktan ako. Iyon ay ang mga katanungan na negatibo na bumabagabag sa isipan ko.
Pangalawa, ang kaganapan sa pagitan naming dalawa ni Adam. Naguguluhan rin ako. Sa mukhang pinapakita niya, nagkakaroon ako ng senseridad na totoo nga ang lahat ng iyon. Ngunit ang kalahati ng puso ko ay palaging nagtatanong kung, ‘Totoo ba talaga lahat ng iyon?’
Nandito kami sa Mall ni Alice at naglalakad-lakad lang.. Wala kaming pasok ngayon dahil holiday at naisipan naming magikot-ikot muna. Pampawala ng stress.
“Grabe naman pala! Hmm. Smells fishy ha.” Saad nito at hanggang ngayon ay nakakunot parin ang noo dahil sa kwinento ko sa kanyang kaganapan kagabi.
Tumango-tango ako. “Hindi ko nga siya maintindihan, eh. Feeling ko, totoo yung sinasabi ni Adam na hindi.”
Napansin ko ang pagnguso ni Alice sa likuran ko. Teka, ano nanaman ba ‘yun? Nakita ko rin ang pag-iling niya. Ayokong tingnan kung ano man ang tinuturo ni Alice sa likuran ko pero dahil sa patuloy siya sa pagnguso ay talagang nairita na ako.
Lumingon ako. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Adam na may kasamang babae. Pero wait…
Nanliit ang mga mata ko nang makita kung sino ‘yung babaeng kasama niya. Ano nanaman bang nangyayari dito sa puso ko? Bigla-bigla akong napapahawak sa palda ko sa hindi malaman na dahilan. Napalunok ako ng mariin nang makita ko silang dalawa na nagkakasiyahan at nagtatawanan.
“Y-yan.. yung babaeng nakabunggo ko sa NBS nung nakaraan!” Hindi na napigilan ng daliri ko ang mapaturo sa direksyon nila.
Shit! Nakita nila ako!
Sobrang saya nila. Magkakilala sila? Bakit never ko pang nakita ‘tong babaeng to sa buong buhay ko? Anong meron? Hindi naman dapat ako ganito ah. Bakit parang nag-iinit ang puso ko? Hala naman!
“Uy, Alice!” Nagulantang naman ako nang batiin ni Adam si Alice. Hindi niya ba ako nakikita? Ano ako? Invicible?
Nagulat ako sa sumunod na nangyari. Kumapit yung babaeng familiar sa braso ni Adam. Shit! Parang nanghihina yung tuhod ko. Huy Ash, ano bang problema mo? Bakit nagkakaganyan ka? Bakit parang nanginginig ako? Bakit nagiging ganito ang reaksyon ko? Bakit malaki na yung mata ko? Ugh.
“Hi—Oh! Wait. Familiar ka!” Napansin nitong babaeng familiar na nagkita na nga kami.
Tumango ako. “Yes, nagkabanggan tayo sa NBS.” Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Habang hindi parin kami nagtatagpuan ng mata ni Adam.
Sobrang ganda talaga ng babaeng ‘to. Makinis, maputi, sobrang ganda. At ang lakas maka-fashionista!
Naka-crop top na sando siya at naka-jeans ng mahaba at maluwang sa bandang baba. She looks nice and… bagay sila ni Adam.
“Let’s eat? Treat ko.” Pag-aalok ni Adam sa amin. Dumaan rin ang kanyang tingin sa akin.
I told you. Pinagtitripan lang ako ni Adam. Hay. Nakahinga rin ng maluwag! Kasi alam kong inaartehan lang ako nun kagabi. He’s dating someone, now. And it's his first na magkaroon ng ka-date maliban kay Zeion na hindi naman niya sineryosong i-date.
BINABASA MO ANG
Walang TAYO [COMPLETED]
Humor"That heart does not belong to him." Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad. Patuloy akong tinutulun...
![Walang TAYO [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/127652739-64-k989484.jpg)