Kabanata 33

683 51 16
                                    

Will you be my date?

Ashley’s Point Of View

Naalimpungatan ako dahil sa pagba-vibrate ng phone ko. Putek, ano bang meron? Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata at pawang nagbu-blur ang aking paningin dahil sa kagigising ko lang.

Tiningnan ko ang mga messages at laking gulat ko nang may 15 text messages akong natanggap at 10 missed calls mula kay Smoke at Adam. Talagang parehas pang 10 missed calls ha? Ano ba kasi ‘yun?

Napaupo ako sa kama ko at halatadong kagigising lang. Sabado kasi ngayon at walang pasok. Malamang sa malamang, nasa baba nanaman yung mga kaibigan kong lalaking mga tukmol!

Napasapo ako sa ulo at napangiti na lamang nang may makita akong bouquet ng sunflower. Alam ko na kung kanino galing ‘to. Pero mas kumunot ang noo ko nang may makita akong note na nakalitaw sa isa sa mga petals ng sunflower.

Binuksan ko kaagad ang kulay putting papel na may note.


Good morning, Eve. Alam kong kagigising mo lang. Please meet me later at 3pm. Susunduin kita sainyo.. *wink*

Love, your future Honeybunch.

Masuka-suka ‘man ako pero napapangiti ako sa note na ‘yun. Ito na ba yung tinatawag nilang love? Shit. Bakit parang unti-unti ko na talagang nararamdaman? I'm so inlove with this jerk.


Kahit na nakakunot ang noo ko sa pagkakasabi niya ng ‘Eve’ ay tiningnan ko parin ang likuran ng mismong note. Hindi nga ako nagkamali, may nakasulat parin doon.

I am not Adam without Eve. You took my heart and smiles. Welcome, empty me.


Napahagikgik na lang ako sa tawa dahil nga sa note na ‘yun. Bwisit ‘yun! Kahit kelan talaga, patawa. Pakilig. Pa-fall. Hihi. Huy, anuba! Weg nge keshe.


Muli akong napasapo sa ulo ko nang makalimutan kong bubuksan ko pala ang cell phone ko para tingnan yung text messages ng kung sino ‘man ang mga nagtext sa akin.


Zeion:

Hello Philippines and hello world! Are you ready for the Acquaintance Party?


Drake Yu:

Hey babies! Wanna hang out with my hot body?

#NagmamahalKayZeion


Hindi naman sa panlalait pero sobrang sama kaagad ng pagkagising ko at tiyak ay mawawalan na ako ng gana sa pagkain ng umagahan dahil sa text na’to ni Drake. Ano uli yung hashtag niya? Napakalandi talaga! Si Zeion? Papatulan si Drake? Jusko, kadiri ha.


Ethan Yu:

Hoy hoy hoy! Gising na mga madlang people! Today is #WalwalDay. See you!
- IrishMwh0Lh4rnszx. HAHAHAHA!


Alice:

Good morning pips! See you later. Bring your dates. Werpa na!


Nang buksan ko ang GM ni Tye ay magkaparehas lang rin katulad ng kay Alice. Napangiwi na lang ako.

Naalala ko, Acquaintance Party pala ngayon sa Convention Center mamaya. Kung kaya't ganito na lang ang pananadtad sa akin ng mga walanghiya kong kaibigan. Sa wakas, ang huli kong binuksan na text message ay ang kay Smoke. Himala? Wala yatang text si Adam ngayon, ah.

Smoke:

Good morning! May date kana ba mamaya? Gusto ko sanang mag-meet tayo later at 3pm sa coffee shop na pinagtututoran natin. Susunduin nalang kita jan sa inyo. I hope it's okay. See you, Ash!


Walang TAYO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon