Kabanata 38

671 49 10
                                        

Farewell, Smoke


Ash’s Point Of View

Life is like a book. Sometimes, you don’t have to stuck on a page that you are reading right now. It takes time until you reach the climax and denouement of it.

We have to turn the page.


Lumipas ang ilang linggo na ganun pa rin si Adam. Araw-araw niya akong hindi naalala. Dumating na rin sa punto na susuko na ako. Kinausap ako ni Tita Ellen at ng buong pamilya ni Adam na huminto na ako sa pagmamahal ko sa kaya. Ngunit…

Ayoko.

Inaamin ko na sobrang hirap ng pinagdadaanan ko. Pero hindi mababago iyon ng pagmamahal ko kay Adam. Eighteen years kaming nagsama ni Adam. Magmula sanggol kami hanggang ngayon.

Ngayon ko pa ba siya iiwan?

Ngayon pa ba ako susuko?

Ngayon ang araw ng libing ni Smoke. Inabot ang burol niya ng mahigit tatlong linggo dahil sa isa ngang sikat na manunulat si Smoke. Marami siyang fans na naghihintay sa kanya.

Maraming nagbigay ng donasyon, letters, pagmamahal, at pakikiramay sa mga magulang ni Smoke. Sobrang sakit nito sa kanila lalo na't ang idolo nila ay wala na.


Nandito kaming lahat sa burol ni Smoke. Ngayon ang huling araw na magkikita kami. Pinaki-usapan ang Doctor ni Adam na dalhin muna si Adam sa burol dahil sa kapatid niya nga ang namatay. Mabuti at pumayag naman ito.

Hangga’t maaari ay hindi nilabas ni Tita Ellen ang litrato ni Smoke para na rin sa ikakabuti ni Adam. Sa labas ng funeral nakalagay ang malaking tarpaulin ni Smoke--- nakadikit sa pintuan.

"Grabe, Alice. Dati, hangang-hanga lang ako kay Smoke diba? Naaalala mo noon? Yung patay na patay pa ako sa kanya dati. Ngayon, siya na itong patay." Nagawa ko pang magbiro sa mga oras na ito. Katabi ko sa kabila si Alice at sa kabila naman ay si Adam.

"Siraulo ka talaga, Ash. Pero seryoso. Oo nga, noh? Halos himatayin ka pa dati kapag tumingin lang sa'yo si Smoke." Napangiti naman ako at tumugon sa sinabi ni Alice.

Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Araw-araw akong mauubusan ng tubig sa katawan. Napagtanto ko na may mga dahilan kung bakit nangyayari ito. Kung bakit nawala si Smoke sa amin.

Nakasuot kami ng puting damit para sa huling pagkikita namin ni Smoke at sa pakikiramay. Katabi ko si Adam ngayon dito sa harapan at malapit sa kabaong ni Smoke.

“Are you alright?” Tanong ko kay Adam na tahimik na nandirito sa burol ni Smoke.

Tumango siya, “Maybe yes. ‘Cause I don’t remember him anyway.”

Napasapo na lamang ako sa aking ulo dahil sa nakalimutan kong hindi niya pala naalala si Smoke. Wala talaga siyang mararamdaman. At ang ugali niya? Ayun, ganun pa rin. How I wish na nabago rin yung ugali ni Adam nung nakalimot siya. Joke!

“But you know what…” Tumingin ako sa kanya nang bigla siyang magsalita. “There’s something in my heart na sobrang sakit. Parang sasabog.” Dagdag niya.

Nag-panic ako at tinitigan siya, “Gusto mo bang dalhin kita sa Doctor?”

“No. I don’t want there. Please, dito ka lang.”

Gusto kong umiyak uli sa sinabi niyang iyon ngunit ubos na ang luha ko sa araw-araw na pag-iyak. Gusto ko ring i-reserve ito para sa libing ni Smoke mamaya. Nasiyahan ako ng banggitin niya iyon. Nakakamiss ang mga pagsasabi sa akin ni Adam ng ganoon.

Walang TAYO [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon