"That heart does not belong to him."
Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad.
Patuloy akong tinutulun...
Gabi-gabi kong hinahalikan yung libro ni Smoke na pinirmahan niya. Kumpleto na ako sa mga libro niya. At seryoso akong pupuntahan ko lahat ng book signing niya!
Nandito ako sa kama ko, nakahiga at nag-iisip kung paano ako hihingi ng tawad kay Zeion. Hindi ako makakalma simula nung mangyari yung araw na yun sa classroom namin. Dammit, Adam! Hindi mo alam kung gaano kalaki itong pinasok mo.
Matapos kong guluhin ang buhok ko sa pag-iisip ay sinubukan kong kunin ang cellphone ko na nakalapag sa table ko na katabi ko lang. Huminga pa ako ng malalim at saka pumikit ng ilang segundo bago ko diininan ang cellphone ko at itext si Zeion.
Me:
I’m sorry for what happened, Zeion. I know na hindi mo ako mapapatawad for now. But promise, there’s nothing between me and Adam. Please meet me tomorrow sa coffee shop na pinupuntahan natin. 3pm, hoping to see you. Good night!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hindi ko na inaasahan na magrereply pa si Zeion sa’kin. Dati, kapag wala si Alice sa tabi ko, si Zeion at Irish ang palaging nandyan just to comfort me kapag nirereject or ini-snob ako ni Smoke.
Sa kabila ng pagdi-day dream ko ay narinig kong nag-vibrate ang phone ko na katabi ko nalang ngayon dito sa kama. Dali-dali kong binuksan iyon.
Napaupo ako sa gulat nang makitang nagtext sa’kin ang isang unknown number. Who's this?
Kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim bago ko buksan ang text message.
Unknown Number:
Hi, Ash. This is Smoke. Pwede ba kitang yayain bukas ng dinner? I’ll text you tomorrow if where’s the place.
Ha? Ano? Sino ka? Shit! Namumula ang tenga at ang buong katawan ko! S-si... Smove Sovar nagtext sa akin!
"Ahhhh!" Bigla akong naaligaga sa pagtext n’yang yon! Shit. Totoo ba ‘to o nanaginip lang ako? Grabe, ang isang Smoke Sovar ay nagyayaya ng dinner bukas sa’kin? Fudge. Date naba ‘to? Date naba?
Nagwawala ako sa kama ko at tumatalon-talon muna bago ko pakalmahin ang sarili ko saka siya replayan.
"Chill, Ash..." I muttered at saka pinapaypayan pa ng aking kamay ang buong katawan ko para makalma lang.
Me:
Okay, see you. Good night! :)
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.