Kabanata 31

697 52 10
                                        

The Truth Must Prevail

Smoke's Point Of View

I'm trying to forget you but I'm also waiting for you to come back.

No one knows my pain
I've cried and no one heard me.
I was sad and no one saw that
I was heart broken and no one asked
It's when I've realized that no one knows me.

The last chapter on the second book of 'The Girl in the Moon' and...

I already closed the book.




Napasinghap ako matapos kong isulat ang huling pahina ng pangalawa kong libro. Dito ako sa madilim kong kwarto palagi nagsusulat. Tanging ang reading lamp lamang ng aking kwarto ang nagsisilbing liwanag sa buong silid.

Kinuha ko ang aking itim na wallet na katabi ko lamang. Muli kong pinagmasdan ang mukha ng mga magulang ko. Sila'y napakaganda ng mukha at bagay na bagay talaga. Mapuputi ang aking mga magulang. Kung hindi ko sila magulang ay iisipin kong mga artista sila.

Muling tumulo ang luha sa aking mga mata. Paulit-ulit na katanungan ang bumabagabag sa aking isipan.

Bakit nila ako pinaampon?

Isa ba akong kasalanan? O isa lamang akong pabigat sa kanila?

Anong dahilan?

May kapatid pa kaya ako?

Napapikit na lamang ako at hinayaan na tumulo lamang ang luha sa mga mata ko. Tiningnan ko naman ang anklet na nasa loob ng wallet ko. Ang anklet na binigay sa'kin ni Ash.

Doble doble ang sakit na nararamdaman ko. Maski sinuman ay walang nakakaalam 'nun. Masakit para sa'kin ang mag-iwan ng mga ganoong kataga kay Ashley. Lalo't alam kong napamahal narin siya sa akin.

Oo. Nagkagusto ako sa kanya ngunit isa akong tanga na hindi manlang magawang umamin.

Iniisip ko kasi na hindi siya kayang mahalin. Dahil may mahal na akong iba.

Si Hanny? Hindi.

Ang mga babaeng umaaligid sa akin? Hindi.

Kung hindi ang babae sa ilalim ng itim na maskara sa bibig.

Alam kong paulit-ulit na ang pagpunta ng babaeng nakamaskara kahit na paiba-iba ang tali niya ng buhok at ang mga likido sa kanyang mga mata.

Sa hubog pa lang ng kanyang katawan ay mahahalata mo na kung sino siya. Siya ay saktuhan lamang sa katawan. Hindi mapayat at hindi rin mataba. Kung kaya't maski sino ay mahahalatang siya iyon.

Apat na pu't siyam na tula ang ibinigay sa'kin ng babaeng iyon. Sa lahat ng fans ko ay sa kanya talaga pumukaw ang atensyon ko. Hindi dahil sa tulang ibinibigay niya, kundi dahil sa tiyaga niyang pumunta sa iba't-ibang lugar para lamang makapunta sa book signing ko.

Ang luhaan kong mga mata ay napalitan ng ngiti sa aking mga labi. Lalo na't nang maalala ko ang babae sa likod ng itim na maskara.

Napatingin ako sa mga tulang ibinibigay niya. Bakit kaya hindi na siya nagbibigay ng tula sa'kin? At bakit hindi manlang niya magawa akong itext matapos kong ilagay ang numero ko sa mga librong pinapa-book sign niya sa'kin?

Binitawan ko ang mga tulang iyon at humiga na sa aking kama. Muli, tumama nanaman sa aking isipan ang babaeng nasa likod ng itim na maskara. Hindi ko siya makakalimutan.

I'm so inlove with her.




Nandito ako sa classroom at binubuo ang Rubik's cube. Kanina ko pa hawak ito pero hindi ko manlang mabuo-buo.

Walang TAYO [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon