Kabanata 1

2.3K 280 246
                                    

The Start

Ash’s Point Of View

“Gumising kana! May pasok pa tayo, hoy!” Naramdaman ko na may mabigat na dumagan sa akin at narinig ang boses ni Adam.

“Bwisit naman oh. Inaantok pa ako, eh. 2 minutes.” Sa sobrang irita ko ay tinakpan ko ng unan yung mukha ko habang sinisipa-sipa ang nakadagan sa’king si Adam.

“Ang bigat mo.” Husky pa ang boses ko dahil sa kagigising ko lang.

Naririnig ko ang tawa ni Adam at patuloy na hinihila ang mga paa ko. Bwisit talaga. Minsan pa'y inaalog-alog niya ito at ilang beses na siyang tatayo saka bubwelo na dadaganan ako. Ang sakit lang sa balakang dahil sa tumatama ito sa kama ko at dahil na rin nakatagilid ako.

“Ano? Hindi ka tatayo? Hihilahin ko talaga paa mo.”

Sa sobrang irita ko ay napaupo na lang ako sa kama at tinitigan siya ng masama. Hinampas ko sa mukha niya ‘yung unan ko na naging dahilan para tumawa uli ang isang ‘to.

“Gago!” Pagbungad ko at humagalpak pa rin siya sa tawa.

Dumiretso ako sa CR nitong kwarto ko ng nakapikit. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at laking gulat ko sa aking nasilayan...

"Adam!" Nanggagalaiting sigaw ko.

Rinig ko ang bawat hagalpak niya. Bwisit! Drinawingan niya lang naman ng marker ang mukha ko! Ang kilay ko, sobrang kapal! Lintik. At ang mga pisngi ko ay nilagyan niya ng tuldok-tuldok na kulay itim.

Lumabas ako sa banyo dahil sa naririnig ko na rin ang napaka-walang hiya niyang tawa! Parang tawa ng... tawa ng isang demonyo! Punong-puno talaga ng sungay ang lecheng 'to.

"Bwisit ka. Bwisit ka! Mamatay kana. Bwisit!" Kinotong-kotongan ko siya at saka patuloy na pinagsususuntok.

"Aray!--- Aray!" Pagdadaing nito. Kulang pa yan! Kupal ka.

Pilit niyang isinasalag ang kanyang mga braso sa kanyang mukha. Inulanan ko siya ng maraming suntok sa tiyan at binti dahil sa ginawa niyang kahayupan sa mukha ko.

Naningkit ang mga mata ko at saka tiningnan ang table ko. Hinila ko ang buhok ni Adam papalapit sa lamesa nitong kwarto at tiningnan ang nandodoon. Marker. Tama, marker nga ang nandodoon.

Pinaghahahampas ko siya ng marker sa kanyang ulo, "Animal ka! Ito pala yung marker na ginamit mo sa mukha ko!"

Patuloy pa rin siya sa pagdaing. Nagsayang lang siya ng marker! Mabuti na lang at hindi permanent marker ang ginamit niya kung kaya't sobrang dali lang nitong tanggalin.

Binitawan ko ng malakas ang buhok niya at saka dumiretso na muli sa CR para maghilamos. Ilang kadkad pa ang inabot ko bago lang makalabas ng banyo.

Nang makalabas na ako sa banyo ay naabutan ko pa rin siya sa loob ng kwarto ko na humahagikgik sa tawa. Inirapan ko siya at iniwan sa loob ng kwarto ko. Pagkababa ko ng hagdanan ay nadatnan ko sila Mama at ang kapatid kong si Charles na kumakain sa dining table.

“Good morning. Ginising ka nanaman ba ni Adam?” Natatawang bungad sa'kin ni Mama at inirapan ko nalang siya.

Hinila ko ang upuan para maka-upo na ako at makakain. Tiningnan ko naman ang wall clock namin at 6am palang. Maliligo pa ako at magbibihis. Feeling naman kasi ‘yun si Adam! Akala mo hindi sanay na ma-late. Eh, buong school year namin nung High school, kami ang best in late attendance.

“Ate. Bagay kayo ni Kuya Adam!” Singit ng kapatid kong si Charles. 8 years old pa lang kasi ‘to.

“Daming ala--!”

Walang TAYO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon