Big Deal
Ash’s Point Of View
“Time for school! It’s time for school!”
Ano yun?
Bakit parang si Nemo?
Boses ni Nemo?
"It's time for school! Time for shool!"
Teka. May umaalog sa akin? Walanghiya!
Akala ko nanaginip lang ako dahil sa naririnig ko ang boses ng favorite kong si Nemo. Yun pala, hindi!
Kumunot ang noo ko at winasiwas ng kamay ko ang aking mga mata. Tumambad sa harapan ko ang pagmumukha ni Adam habang nakangiti na abot tenga at may bitbit na favorite kong Ferrero Rocher chocolates.
Kinusot ko uli ang mata ko para lumiwanag ang paningin ko. Medyo nakapikit pa rin ang mga mata ko at kunot-noo kong inupo ang aking sarili sa kama at saka siya inirapan.
Tumayo ako at bigla niyang hinigit ang braso ko na patihim kong ikinagulat.
“Uy, Monday ngayon Abo. Di mo ba ako mapapatawad?” Nakangusong sambit nito.
Hindi napigilan ng puso ko ang tumibok. Hindi dahil siguro sa kanya, kundi dahil sa chocolates na dala niya.
Hindi ko parin siya pinansin. “Uy, sorry na.”
Kumawala ako sa pagkakahawak niya sa braso ko. Akmang maglalakad na sana ako palabas ng kwarto ko ng nakabusangot ngunit naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang init ng kanyang katawan sa likuran ko.
“I will never do that, again.” Bulong sa’kin ni Adam habang nakayakap pa rin sa likuran ko. Ang kanyang dalawang braso ay naka-ekis sa tiyan ko. Agad namang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng sabihin niya ‘yun. Ngayon ko lang kasi narinig ang sweet voice ni Adam na nagsusumamo ng ganito.
Umiling-iling ako. “Bakit mo ginawa ‘yun?”
Naramdaman ko ang pagkawala niya sa pagkakayakap sa aking likuran at saka hinigit ang dalawang balikat ko para humarap sa kanya.
“Secret.”
Inirapan ko uli siya at patuloy akong sinundan na parang asong naghahabol. Paepal ba siya? Pagkatapos niyang magmukhang aso dito sa kwarto ko, magsi-sikret siya ng ganyan. Pwe!
9:30 na nang pumasok kami ni Adam sa school. Nakahinga ako ng maluwang ng maabutan ang klase naming nagkakagulo dahil sa wala pa kaming teacher.
“Wassup?” Bumungad sa akin ng nakangiting si Irish habang ngumunguya ng chiklet. Nginunguso-nguso niya ang nasa gilid ko, si Smoke.
Umiling-iling ako saka umupo at pumangalong-baba. Inisip ko kasi si Adam kanina habang bitbit yung favorite kong chocolates. Ayaw na ayaw niya kasing tumatagal ang away namin. Ayos na kami sa isa o dalawang araw na hindi pag-uusap, pero never pa sa isang linggo.
Bati na kami ni Adam dahil sa dala-dala niyang Ferrero. Mag-iinarte pa ba ako? Chocolates yun no!
Bumalik ako sa realidad nang dumating ang teacher namin sa Chemistry. Si Sir Flores.
“Good morning, class.” Aniya.
“Good morning, Sir Flores!”
“Thank you. Please sit down.”
Pagkaupo ko ay pumangalumbaba muli ako habang nakatitig kay Sir Flores. Nasa kanya ang mukha ko, pero ang utak ko wala. Nakakabored makinig ng klase sa Chemitry, ‘no! Halos wala naman akong maintindihan.
BINABASA MO ANG
Walang TAYO [COMPLETED]
Humor"That heart does not belong to him." Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad. Patuloy akong tinutulun...
![Walang TAYO [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/127652739-64-k989484.jpg)