Kabanata 36

745 48 28
                                        

It will happen.

Ash’s Point Of View

“Bilisan mong mag-drive, Drake!” Asik ni Zeion.


“Wait lang, babe. Malapit na tayo!”


Halos kanina pa ako nangangatog sa sobrang kaba. Please, I don’t want to cry. Adam and Smoke will be alright. Lord, I know na ililigtas mo sila.


Niyayakap ako ng luhaan na si Zeion. Ayokong umiyak dahil sa alam kong ligtas silang dalawa.

“M-magiging okay sila di ‘ba?” Tanong sa’kin ni Zeion. Dahil sa sobrang panghihina ko ay hindi ko namalayang unti-unti naring tumutulo ang luha ko.

Not now, please.


“Nandito na tayo.” Pinark ni Drake ang sasakyan niya sa tapat ng St. Monica Hospital. Dito daw kasi dinala ni Tye sina Smoke at Adam kanina.

I hurriedly went to emergency room, sumunod rin ang mga kaibigan namin. Sumalubong sa’kin ang luhaan na si Tita Ellen. Ang mommy ni Adam.

“A-ash…”

“Tita…”


“What happened? Where are they?” Nagpapanic na ako. Wala pa ang parents nila Zeion pero tinawagan na daw niya ito.


“Ash.” Sumalubong sa’kin ang duguang si Tye.


Nanghihina ako ngayon pa lang. Mukhang hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanilang dalawa. Pero sa tingin ko'y mas lalo kong hindi kakayanan ang magiging kwento sa akin ni Tye.



“Chinecheck pa sila. Sabi nung nakakita sa kanila, unti-unti daw na tumutumba si Adam sa gitna ng kalsada. P-papalapit na yung truck, Ash. Hanggang sa…”Nakita ko ang pagluha sa mga mata ni Tye.


“Hanggang sa tinulak siya ni Smoke. At si Smoke ang nasagasaan. N-nauntog ang ulo ni A-adam sa malaking b-bato dahil sa lakas… sa lakas ng p-pagkakatulak ni Smoke sa kanya…”




Fake news ‘to. Please, God. Ngayon ako humihingi ng pabor na sinusurprise lang ako ni Adam at ni Smoke. Nag-usap lang sila diba? Bakit…. Bakit naman ganito? Bakit sobrang sakit ng dinanas nila? BAKIT NGAYON PA.


Hindi ko na kaya. Napaluhod na lamang ako sa sahig. Tanging ang iyak ko na lang ang naririnig ko sa mga oras na’to. Hindi maaaring mangyari ‘to! Nag-uusap lang sila kanina diba? Ano? Bigla na lang nangyari yun? Bigla na lang nagkaganon?

Masaya pa kami ni Adam di ‘ba? Nagkikwentuhan pa kami at sinurprise niya pa ako. Sabi niya, yung footprints namin yung magsisimbolo ng pagmamahalan namin hindi ba? Di 'ba? Sabi niya pa nga, mahal niya daw ako. Bakit niya ako iiwan?

Walang TAYO [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon