Kabanata 23

735 77 9
                                    

Courtship


Ash’s Point Of View

Nakaupo lang ako sa kama ko at wala sanang balak bumaba. Tiningnan ko ang patong-patong na librong gawa ni Smoke na may pare-parehas lang na title. Ang The Girl in the Moon.

Umiling-iling ako. Ganoon na ba ako ka-obsessed sa kanya? Para bumili araw-araw ng librong pare-parehas lang naman ang laman ng pahina. Minsan, hindi ko rin mawari ang isip ko. Para akong ewan. Tinitigan ko maigi ang libro,

"Parehas rin naman ang content. Parehas ng plot. Parehas ng pagkakapal ng papel. Pare-parehas rin ng book cover. Bakit ganun?" Para akong nasisiraan ng bait habang iginigilid-gilid ko ang aking ulo at saka nagpa-pout na parang aso.

Nilibot ko ang paningin ko sa dingding ng kwarto ko. Naka-paskil kasi sa pader lahat ng picture ko na kasama si Smoke. ‘Yun nga lang, ay hindi ako. Kundi sina Geneva, Marie, Ezra, Clara, Bea, Lenny, Irish, Aira, Jehan, Mau, Jenny, Desiree, at Jane. Kundi ang mga babaeng pinapakilala ko kay Smoke tuwing magpapa-book signing ako.

Sa bawat litrato ay iba-iba ang itsura ng mga mata ko. Mayroong walang make-up, may nakalagay na eye shadow, may likidong itim, at kung ano-ano pa. Kung kaya’t malamang ay hindi mahahalata ni Smoke na papalit-palit ako ng anyo tuwing magkikita kami sa book signing niya. Sana nga lang. Huminga ako ng malalim at saka kinalikot ang aking kumot na nasa hita ko. Nagiisip-isip ako pero hindi ko mawari kung bakit talaga ako nalulungkot ngayon at tila'y walang gana.


Inayos ko ang sarili ko bago bumaba ng kwarto ko. Pinihit ko ang door knob ng kwarto ko at kumunot ang noo ko sa kung ano ang tumambad doon. Isang basket na naglalaman ng bouquet flowers.

Binaba ko ang sarili ko upang lumevel sa basket na nasa sahig at nakatapat sa pintuan ng kwarto ko. May napansin naman akong sulat doon na nakalagay sa isang puting papel.

Dali-dali kong binuksan ang papel na iyon.

Dear, Ash.

Girl, you’re beautiful.
Give a freedom to your soul.
Get up and make yourself better.
God will show you even greater.

Sa ‘di malaman na dahilan ay bigla kong niyakap ang sulat na iyon. Kung kanino ‘man nanggaling iyon, ay sobrang laki ng pasasalamat ko. Kahit na sobrang lalim ng pinapahiwatig, ay pawang nagagalak ako. Ang lungkot ko, pero itong bulaklak na ito ang nagpangiti sa araw ko.

Bumaba ako para itanong kila Mommy kung sino ang nag-deliver ng bulaklak na ito. Sakto naman ay nasa dining table sila at kumakain ng almusal.

“Good morning, Ma.. Good morning, Charles.” Hinalikan ko silang dalawa.

“Good morning, dear.”
“Good morning, Ate.”

“Ma, kanino pala nanggaling ‘tong mga bulaklak na’to?” Iniangat ko ng bahagya ang basket na naglalaman ng bulaklak upang mas makita nila.

Kumunot ang noo ni Mama. “Hindi ko alam Ash, eh. May pumunta lang na delivery boy at pinaabot yan.” Aniya.

“Yieee! Si Ate, may suitors!” Pangungutya ni Charles.

Walang TAYO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon