Kabanata 32

676 52 15
                                        

I’ve tried to come over her.

Smoke’s Point Of View

Nandito ako sa dance studio. Pinindot ko ang DVD Player at saka hinanap ang paborito kong kanta, ang Growl ng EXO.

Bata pa lang ako ay hilig ko na ang pagsasayaw. Pero dahil sa mahiyain akong tao at puro Academics lang ang alam ko, ay hindi ko pinapahalata ang iyon. Ayoko kasing ipakita ang talento na mayroon ako, natatakot kasi akong pagtawanan lang.

Patuloy kong ninanamnam ang kanta ng EXO. Para akong bakla na mahilig sa Kpop. Ito lang kasi ang alam kong kanta ng Kpop, halos lahat ng English Dance Songs ay alam ko na. Hindi naman ako Kpop fan, ito lang talaga ang kantang natipuhan ko. Nalaman ko itong kanta na ito ng dahil rin kay Zeion na kapatid ko.

Kadalasan ay sa kwarto ko lang ako sumasayaw. Maski sina Mommy, Daddy at Zeion ay hindi alam na may talent ako sa pagsayaw. Patago talaga.

Napapapikit pa ako kahit na parang may pagka-rock itong kanta. Namiss ko lang kasi ang sumayaw uli dahil nga sa sobrang naging busy ako nitong mga nakaraan. Lalo na sa book signing at studies.

Naiisip ko parin ‘yung babaeng naka-maskara. Shit, kelan ko kaya siya makikita?

Mas lalo kong ginigilingan ang aking pagsayaw. May pagkakataon rin na napapakagat ako sa aking lower lip habang nakapikit. Napapangiti rin ako sa bawat galaw na aking ginagawa.

Napatalon ako bigla nang may marinig akong pumapalakpak mula sa pintuan nitong dance studio. Sa sobrang gulat ko ay napaatras ako at napa-upo sa sahig. Shit!

“You’re good, Mr. Sovar.” Dahan-dahang pumapalakpak si Ashley. Shit. Anong ginagawa niya dito?!

“Gahd! W-what are you do---“

“Talents cannot be hide. Anymore.” Aniya at saka ako binigyan ng nakakakilabot na ngisi.

Pumasok siya sa dance studio at kaming dalawa lang ang nandirito. Ramdam ko pa rin ang pamumula ng pisngi ko dahil sa hiya. Shit, ayokong nakikita ako ng maski sino man!

Tumayo ako at pinunasan ang namamasa kong mga kamay sa aking jogging pants. Papalapit ng papalapit sa’kin si Ashley na naging dahilan para kabahan mas lalo akong kabahan ng husto. Dammit!

Maya-maya ay ramdam ko naman na nilagpasan ako ni Ash at saka pinatay ang radio disc na nasa likuran ko lang. Pagkatapos niya itong patayin ay lumapit na siya sa akin at saka humarap.

Bitbit niya ang kanyang itim na bag na parang familiar sa’kin. Mayroon rin siyang dalang mga libro na di ko mawari kung ano dahil yakap-yakap niya ang mga ito. I want to congratulate her dahil ang laki ng improvement niya ngayon. Hindi ko lang masabi dahil kinakain ako ng kaba sa mga oras na’to.

Yumuko ako. “Please don’t tell anyone.” Nakaramdam ako ng kilabot ng tumawa siya ng parang sinasapian. What’s wrong with her?

Mas lalo akong nakakaramdam ng takot sa mga tawa niyang iyon. Pangit ba ako sumayaw? ‘Di ba ako marunong gumalaw? Shit. Nakakahiya talaga. Ugh!

“Oh ghad, Mr. Sovar. Ang galing-galing mo sumayaw and then you’re expecting me na itatago ko yang talent mo?” Mas lalong kumalabog ang puso ko. Fuck!

Hinawakan niya ang braso ko. “C’mon!”

Nagulat ako sa inastang iyon ni Ashley. Bakit niya hinigit ang braso ko? Shit! Anong plano niya?! Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isipan ng babaeng ito.

“Shit!” Nabitawan ako ni Ash nang malaglag ang mga librong hawak niya. Kahit kailan talaga ay napaka-careless nitong isang ‘to.

Wait. Ano iyon?

Walang TAYO [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon