"That heart does not belong to him."
Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad.
Patuloy akong tinutulun...
Pumasok ako nang hindi kasabay si Adam. Mamaya na daw siya papasok. Kasi naman, nag-LOL sila kagabi NG HINDI AKO NILIBRE. Ang daya diba? May kasalanan pa sa’kin yung siraulong ‘yun, eh!
Nandito ako sa tapat ng locker ko dito sa school. Ilalagay ko kasi ‘yung gamit ko. Ang bigat-bigat. Para nakong makukuba na hindi ko maintindihan. Kunting galaw ko nalang at mahuhulog na itong mga dala ko. At konting paramdam niya nalang, mahuhulog na 'ko sa kanya.
Charot!
“Ate girlllll!” Napagitla ako sa lakas ng boses ng bestfriend kong si Alice. Papalapit siya sa’kin at hindi ko siya pinansin. Sino ba siya para pansinin ng magandang katulad ko?
“Ate girl, alam mo ba. Magpapa-book signing si fafa Smoke sa Pampanga!” Kinikilig na saad ng best friend ko habang bitbit niya ang libro ni Smoke na ilang beses ko ng binasa. Tinitigan ko siya ng masama na naging dahilan para mapatiklop siya ng bibig.
“Oops. Sorry.” Nag-peace sign pa.
Simula nung nagbreak kasi sila ni Tye, lumipat na siya sa Smoke KO! Pinagnanasaan rin yung mga libro niya. Bruhilda ‘to.
Pero wait. Magpapa-book signing si Smoke?! Shit. Kailangan kong pumunta, kailangan ko nga palang pumunta!
“Akin na nga yan!” Nanlaki ang mata ni Alice nang higitin ko sa kanya ang ‘The girl in the moon’ na libro ni Smoke. Hindi ako nagbabasa ng libro, pero palagi kong binabasa ‘to!
“Wow ha. Akin ‘yan eh!” Nag-cross arms pa si gaga at pilit na kinukuha sa akin ang libro.
Inirapan ko siya at saka sinimulang buklatin ang libro na gawa ni Smoke KO.
“Babasahin ko.” Pagsisinungaling ko. Nilagay ko ang libro na gawa ni Smoke sa locker ko. Napagitla naman ako nang may mapansin akong kakaiba sa loob ng locker ko.
“There’s a note.”
“What?” Tiningnan naming pareho ni Alice ang note sa loob ng locker ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The smile on your face Lets me know that you need me. There's a truth in your eyes Saying you'll never leave me. The touch of your hand says you'll catch me wherever I fall. You say it best when you say nothing at all.~
“The smile on your face. Lets me kn— Aray!”
Dali-dali kong binatukan si Alice dahil sa sobrang sakit sa tenga ng pagkanta niya.
“Pinagtitinginan tayo!” Bulong ko at pinandilatan siya ng mata.
Tumingin siya sa paligid at napansin ang kahihiyang ginawa niya. Ngumiti siya sa mga tao at nag-peace sign. Umiling-iling na lang ako at saka hinila ang bag niya na nakasakbit sa kanya at saka kami tutungo papunta sa class room.