Kabanata 35

694 45 3
                                    

The Last Note


Ash’s Point Of View

“Wait, anong gagawin natin dito?” Kunot-noo kong tanong kay Alice. Dinala niya kasi ako sa isang madilim na lugar malapit dito sa school. Tapos na kasi ang Aquaintance Party. Hindi ko mawari kung nasaan ako dahil sa hindi ko maaninag sa sobrang dilim.

“Shh. Relax, you’re in the good hands.” Medyo kinilabutan ako sa mga katagang iyon ni Alice.

Mas lalo akong nangatog nang iwan niya na ako. Pinipilit kong huwag siyang umalis lalo na’t takot ako sa mga madidilim.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko, hudyat na ako’y paiyak na. Sa takot. Sa nerbyos. Mas lalong dumidiin ang pagkakapit ko sa gown ko.


Akmang aalis na ako kahit wala akong makita. Ngunit nagulantang ang buong sistema ko nang makitang sunod-sunod ang pagbukas ng ilaw.

Hindi siya tipikal na ilaw. Dahil ang mga ilaw na nakikita ko ngayon ay pawang lumulutang sa hangin. Para itong linya na nasa iba’t-ibang direksyon. Kakaiba ito, ngayon ko lang ito nakita!


Napukaw rin ng atensyon ko ang isang white carpet na nasa harapan ko, ngayon ko lang ito napansin. Saktong-sakto ang dulo nito katapat ng aking kinatatayuan. Ang bawat gilid ng white carpet ay may kandila na nakalagay sa loob ng bilog na bowl. Acquarium bowl ang tawag doon.

Nanginginig ako. Ngayon ay mukhang hindi na sa nerbyos. Gusto kong tumakbo, kumawala mula sa pagkakatayo ko. Ngunit may pumipigil sa’kin. May isang pumipigil sa’kin…

Ang taong…


Nasa harapan ko ngayon.


Si Adam.



Tuluyang tumulo ang luha ko sa aking mga mata nang makita siyang nakatayo sa isang lugar na may isang maliit na lamesa at may iba’t-ibang putahe doon.

Kahit medyo malayo sa’kin si Adam, ay tanaw ko siya. Napatakip ako sa aking bibig dahil sa tuwa. Napatawa ako dahil sa nakita ko doon ang magkapatid na Yu na pawang mga security guards dahil sa tindig ng kanilang tayo sa gilid ni Adam.


Is he surprising me again?! Ugh. It feels like I'm on the story with a nice plot--- full of surprises.


Maya-maya ay nakita ko ang unti-unting paglalakad ni Adam sa white carpet. What’s wrong with this guy?! Ang dumi ng sapatos niyang itim! Bakit niya tinatapak sa white carpet na’to?

Bakat na bakat ang footsteps niya sa bawat pagtapak niya sa white carpet.

Excited na sana ako sa paglapit ni Adam ngunit napagitla ako nang tumigil siya sa bandang gitna. Sinesenyasan niya ako na lumapit sa kanya.

"Walk!" He shouted.

What? Walk? But..


But I can’t walk. I just want to…




Run!


So I ran towards him. Bitbit ko ang aking gown at sumasalubong naman sa’kin ang nakalahad niyang kamay na gusto akong yakapin.

Ang lahat ng dumi sa talampakan ng aking high heels ay napunta na sa white carpet. I started to hug him ang punch him!

“Ang daya mo naman, eh!”

Narinig ko ang pagtawa niya ng bahagya, “I’ve waited for so long. Those footsteps symbolizes our long lasting love, honey...”

“That You and I are tired of running away our feelings. And now, our footsteps on that white carpet means that we are now together." He whispered in my ears.


Walang TAYO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon