Kabanata 8

1.1K 171 64
                                        

The Day.

Ash's Point Of View

Gabi-gabi ko nirereview ang mga tula na ibibigay ko kay Smoke. Kahit hindi niya ako pinapansin sa klase ay mahal ko parin siya. Luh, harot! Chinecheck ko rin ang phone ko kung magtetext ba siya. Pero sa kasamaang palad, hindi niya ako tinetext or chinachat. Kelan niya ba ako papansinin? Jusko naman.



Binuksan ko ang puting mac laptop ko at saka in-open ang facebook account ko. Susubukan kong i-chat si Smoke ngayon na galingan niya sa book signing niya bukas. I'm so proud of him!

Mas lalong kumalabog ang puso ko ng makitang nasa 'active' friends ko siya. Dahan-dahan kong clinick ang pangalan niya. Ilang minuto pa bago ako nagkaroon ng lakas ng loob para ichat siya.


Me:

Hi, Smoke. Kumusta kana? Galingan mo sana sa book signing mo bukas! ^_^


"Delete. Delete.. Uhm.."

Priness ko ang 'delete' sa keyboard dahil sa napaisip ako. Bakit ko sasabihing galingan niya? Eh, alam ko namang magaling na talaga siya kahit noon pa!

Huminga uli ako ng malalim at saka sinubukang ichat siya ulit.


Me:

Hi, Smoke. God bless sa book signing bukas!

Send.


Nang sabihin ko iyon ay nginatngat ko ang kuko ko. Halos maubos na sila dahil sa sobrang kaba ko! Hindi ko mawari, pero parang kakainin ako ng sistema kung sakaling hindi ako replayan ni Smoke.




Halos 30 minutes na ang nakalipas pero hindi parin siniseen ni Smoke ang chat ko.


"Kahit seen lang." I muttered. And I prayed to God na sana replayan niya manlang ako. Kahit itong oras lang na 'to!


Inaantok na ako. Kahit seen lang ay wala akong natanggap kay Smoke. Galit parin kaya siya sa akin? Or baka marami lang talagang nagcha-chat sa kanya kaya hindi niya mapansin yung chat ko? Ang sakit naman nito.


Tama, ganun nga. Famous kasi si Smoke KO. And besides, hindi naman niya ako priority.


Insert heartbroken emoji.

Charot!


Kinukusot-kusot ko ang mga mata ko para mawala ang antok ko. Mas lalong nag-init ang buong paligid nang makita kong nag-log out na si Smoke. Shit. Nakakalungkot talaga.


Loving someone you can never have is like having blood flowing through every part of you, except your heart.



Ngumuso na lang ako at saka padabog na sinara ang laptop ko.

Sus. Bakit ba naman kasi ako papansinin ng isang Author? Di 'ba? Sikat siya at matalino. H'wag kanang umasa, Ash.


Walang TAYO [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon