Kabanata 16

968 98 11
                                        

Goosebumps

Ashley's Point Of View

“Meet me later at the coffee shop.”


Maigi kong binasa ang text ni Smoke. Maaga rin akong gumising at namula dahil sa maagang kilig na naidulot ng text niya sa akin.

Napakagat ako sa baba ng labi ko dahil ngayon pala ang araw ng pagtuturo sa’kin ni Smoke. Alam kong mawawalan ako ng gana dahil sa pag-aaral pero kung nandyan ba naman si Smoke, tiyak baka bigla akong ganahan!

Sabado ngayon kung kaya’t malamang ay nandito nanaman ang mga kaibigan ko. Hindi nga ako nagkamali. Pagkababang-pagkababa ko ay nakita ko silang nakasalpak nanaman sa sala at naglalaro ng kung anuman.

“Hey wassup.” Niyakap ako ni Drake. “You’re hot in the morning, babe.” Bulong niya sa aking tenga.

Shit talaga ‘tong lalaking ‘to kahit kailan. Hinayaan ko na lang na yakapin niya ako at napatingin naman ako sa banda ni Adam na nanlilisik ang paningin sa amin. Problema niya?

Bigla kong nabitawan si Drake mula sa pagkakayakap niya sa akin. Ghad! Bakit nagkakaganito nanaman ‘tong puso ko? Hindi ko maintindihan sa sobrang pagkatibok. Dammit it! Para akong sasabog na ewan. Parang feeling ko, matutunaw ako sa pagkatitig niya sa’ming dalawa ni Drake.

Napalunok naman ako bigla kasabay ng pagyuko ng aking ulo. Pumunta na lamang ako sa kusina at hindi pinansin si Adam para kumuha ng maiinom. Sakto namang naabutan ko si Mommy at Yaya sa kusina. Nagluluto.

“Hey, mom.” Hinalikan ko si Mommy sa pisngi. “Where’s Charles?” Dugtong ko pa.

“Hi, dear. He’s in his room. Alam mo naman, sabado ngayon. Kaya malamang tanghali nanaman magigisig ‘yun.” Natawa naman kami ni Mama.

Sobrang ganda ni Mama. Talagang hindi mo mapagkakaila kung bakit nagustuhan siya ni Daddy. Not just because of her looks, but also for being a good mother and responsible wife. She’s also brilliant in terms that he took Nursing and graduated as Suma Cum Laude.

I really adore my mom. Napaka-opposite kasi namin. See? Walang-wala akong namana sa Mommy ko. But I guess, Charles does. Charles was a comsistent Valedictorian since when he was a kinder. And I’m jealous for that.

Naglakad ako papunta sa ref namin at kumuha ng pitchel na naglalaman ng tubig at saka uminom.

“May lakad ka ba mamaya?” Tanong sa akin ni Mommy habang naghihiwa siya ng sitaw.

Tumango-tango lang ako dahil sa umiinom pa ako ng tubig. Alam kong hindi niya nakikita ang pagtango ko dahil sa busy nga siyang naghihiwa ng sitaw.

Huling lunok, “Yes, Ma. Itu-tutor ako ni Smoke later sa coffee shop.” Sinagot ko siya nang matapos na akong uminom.

Tumingin naman sa akin si Mama at saka nanlaki ang mga mata. May mga ngiti rin sa kanyang labi na pawang nang-aasar. I know that smile! Alam kasi ni Mommy na ultimate crush ko si Smoke since high school. Oh, well.

I tell secrets to my Mom. We’re super-duper ultra-mega close. She’s a type of Mother na masasabi mong ‘cool’ talaga. May time pa nga na talagang ipu-push niya ako na magkaroon na ng boyfriend. Oh, I wish.

Walang TAYO [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon