Kabanata 22

783 80 5
                                        

Unofficial.


Ash's Point Of View


Nandito kami ngayon sa Horror House. Nangingnig ako maski na alam kong marami naman kami at kasama ko naman si Smoke.

Birthday ni Smoke ngayon. At hindi ko pa naibibigay ang regalo ko sa kanya. Siguro, saka ko nalang ibibigay. Sa tamang panahon.


“Waaaah!” Parang mga ewan na sumisigaw ang magkapatid na Yu at nauna na sa sumunod na stage dito sa Horror house.

Pila-pila kaming lahat. Nasa harapan kaming dalawa ni Smoke. Si Irish at Alice naman ay magkasama. Si Tye ay nakahiwalay. At sa bandang pinakalikod, ay si Adam at Zeion.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagiging ganito ang pintig ng puso ko. Alam kong napaka-awkward nito lalo na sa amin ni Adam. Simula nga kanina--- Simula nung nangyari ang hindi dapat mangyari, ay talagang hindi na kami nagpapansinan. Sobrang nakakadurog ng puso. Namimiss ko na siya.


Muli akong bumalik sa realidad nang makita na ang nilalakad namin ay sementeryo na dito sa Horror House. Shit! Takot pa naman ako sa mga sementeryo!


Niyakap ko ang sarili ko at nanginginig na sa takot. Sobrang dilim pa dito at tila’y may ibang pula ring kulay. Jesus!

“Hold my hand.”

Mas lalong tumindig ang balahibo ko sa batok nang marinig ang husky’ng boses ni Smoke. Dammit!

Umiling-iling ako. Ano bang nangyayari sa’kin? Para akong hihimatayin sa sobrang kilig. Napakagat nalang ako sa baba ng labi ko. Ayoko sanang magpabebe pero baka kasi mahalata niya, eh.

Mas nanlaki naman ang mga mata ko nang kunin niya ang kanang kamay ko na nakayakap sa sarili ko. Ngumiti siya sa akin at bahagyang pinasok ang kanyang mga daliri sa daliri ng kamay ko. Shit! Anong ibig sabihin nito?


Imbis na manginig ako sa takot, ay nanginginig na ako sa ‘di maipaliwanag na kilig. Gahd, lamunin niyo na po ako. Sasabog na ako!


“Don’t let others drag you away from me.” Malamig na tono niya. Parang nabibingi ang tenga ko at hindi na maalis sa isipan ang mga katagang iyon.

Kung nananaginip ‘man ako ngayon, sana’y hindi na po ako magising.


Nang matapos na ang pagha-haunted house namin ay binitawan rin kaagad ni Smoke ang mga kamay ko. Siguro ay nahihiya siya maski ako rin naman.

“Woooh! Ang sayaaa!” Sigaw ni Irish.

“Masaya, eh todo kapit ka nga.” Pambabara naman ni Alice sa kanya at inirapan na lamang siya ni Irish.

Nakita ko naman na nagtawanan sina Alice at Tye. Woah! Woah! What’s happening in here? Mukhang may naaamoy akong kakaiba ah.

Umubo-ubo ako na pawang nagpaparinig. “Muling-i.. ehem. Ehem. Ibalik.” Pangungutya ko sa dalawa kahit na ‘di naman nila alam na sila ang pinaparinggan ko.

Walang TAYO [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon