He looked at me.
Ash's Point Of View
Pumunta kami ni Adam sa pinakalikod ng classroom at doon nagtatatawa. Kinuha namin ang libro namin na papasanin namin mamaya. Jusko, panibagong paggihirap nanaman.
Lumingon ako at tiningnan si Smoke, tutok na tutok siya sa pagtuturo ni Ma'am sa Physics. Habang ang ibang babae ay talagang titig na titig sa kanya. Sarap putulan ng mga leeg eh!
Nalungkot naman ako bigla. Kasi, kilala ko ang gusto ni Smoke. Though wala pa siyang nagiging Girlfriend or wala pa siyang sinasabi na crush niya, ay alam kong mataas ang standard niya. Hmm, siguro. Gusto niya 'yung mga tipo ng babaeng high class talaga. Matalino, mabait, maganda. May standards talaga.
Maganda lang kasi ako tsaka... mabait. Pwede na. Pero tingin ko sa sarili ko, hindi ako matalino. Nakaka-perfect ako ng exam sa Math dati kahit hindi ako nagrereview. Hindi sa pagmamayabang, pero ganun talaga ako. Hindi ako yung 'study hard' at 'grade conscious' kuno. Never. I hate lessons, I hate school.
Besides, I know na ako 'yung babaeng ikakahiya talaga. Well, kaya nga kahit may nanliligaw saakin di ko sinasagot, eh. Di ko naman kasi type! Psh.
Bumalik ako sa realidad nang kalabitin ako ni Adam. "Oh ano? Ako lang magdurusa dito?" Tinawanan ko lang siya.
30 minutes na ang nakalipas at nakaharap pa rin kami ni Adam sa pader bitbit ang tig-dalawang libro sa magkabilang kamay namin. What the effing? Magco-college na kami, gagawin pa kaming bata? Nasa Senior Year na kami Madam! Damn.
"Nangangalay na'ko Adam." Pabulong ko kay Adam.
"Kaya mo yan anukaba. Ako nga, kaya ko eh. Malakas yata 'to!" Sambit pa ng hambog na ito at saka ako kinindatan.
"Pst. May joke ako." Bulong muli sa'kin ni Adam.
Swear, ganito talaga si Adam lalo na 'pag alam niyang bored kaming dalawa. Yung out of nowhere, bigla-bigla nalang magjo-joke!
"What?"
"Alam mo, may pangit palang anak ang Mama mo." Bungad niya. Tiningnan ko siya ng masama at humagikgik siya sa tawa.
"Joke lang, kasi pangit 'yung kapatid mo." Siraulo! Infareness, natawa ako dun na very very light ha.
"Isusumbong kita kay Charles!"
Nalaglag ang panga at libro sa kanang kamay ko nang magsalita ang teacher namin sa Physics. "Ms. Salvador! Gusto mo bang madagdagan 'yang librong hawak mo?!"
Napatiklop ang bibig ko at tumingin kay Adam na patawa-tawa. Dammit! Kahit kaylan talaga, pahamak 'tong si Adam eh. Tiningnan ko ang pwesto ni Smoke. Agad ko namang iniwas ang tingin ko dahil sa nagtagpo ang mga mata namin.
Shit. Kahihiyan!
'Yung crush ko, tiningnan ako habang pinapagalitan. Ano kayang pumapasok sa isipan niya ngayon? Jusko, how I wish na sana ay hindi niya ako sinusumpa sa mga oras na ito.
"S-sorry Ma'am." Binaling ko uli 'yung atensyon ko sa pader saka tinignan ang tumatawang tikom na si Adam. Walanghiya talaga 'to kahit kaylan. Inirapan ko nalang siya.
Lunch na at dumiretso kami ni Adam sa cafeteria. Tahimik kaming nagpunta doon para hindi na mapag-usapan 'yung nakakatawang eksena kanina.
Nakita ko ang pagkukumpulan sa loob ng cafeteria. Anong meron?
"Waaah!"
"Oh em, G! Napakagaling mo, Smoke!"
Kumunot naman ang noo ko sa narinig ko. What? Anong meron kay Smoke?
BINABASA MO ANG
Walang TAYO [COMPLETED]
Humor"That heart does not belong to him." Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad. Patuloy akong tinutulun...
![Walang TAYO [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/127652739-64-k989484.jpg)