World War.
Ash's Point Of View
Pumasok kami ni Smoke sa loob ng bar ng may ngiti parin ako sa labi. Paano ba naman mawawala ang ngiting 'to? Eh jusko! Kulang nalang himatayin ako dahil sa sinabi niyang seryoso siya sakin--- Ay, sa number ko pala.
Naabutan ko naman ang mga kaibigan namin doon na nagkakasiyahan at nag-iinuman. Napansin ko ang pwesto ni Adam pero wala parin siya doon sa upuan niya.
"C'mon, Ash! Smoke! Shot na!" Naningkit ang mata ko nang matanaw si Ethan at Drake na may nakapatong na babae sa kanilang lap at saka nagsasasayaw.
"Wohooo!" Masaya nilang sambit dahil sa tuwang-tuwa silang ginigilingan ng mga babae.
"What the fuck." Nilingon ko si Smoke na umiiling-iling at pawang nadismaya sa nakita. Sa tagal ko kasing kilala si Smoke, alam kong ayaw niya talaga sa mga ganto.
"I hate flirts. Ayoko rin ng babaeng nanliligaw sa mga lalaki."
Nanigas naman ang mukha ko sa pagkabulong niyang iyon. Kahit na medyo malakas ang music ay sapat na ang pagbulong niya sa tenga ko upang marinig ko kung ano yung sinabi niya.
Hindi na ako kumibo dahil sa baka sumabog nanaman ako dito. Umupo kami ni Smoke sa upuan namin kanina.
"Ash. Ayaw mo?" Inaabutan ako ni Zeion ng beer. Tatanggi na sana ako dahil nahihiya ako na baka makita akong umiinom ni Smoke. Pero dahil sa nakita ko rin siyang tumungga ng beer ay kinuha ko narin ang alak na inaalok ni Zeion.
Akmang tutungga na sana ako ng beer para inumin ito ngunit nagulantang ako nang may humagip at kumuha ng bote ko.
"Stop." Narinig ko ang malamig na boses na 'yun na naging dahilan para mapalingon ako sa likuran ko.
"What?!" Iritableng tanong ko kay Adam na ngayon ay madilim parin ang tingin sa'kin habang hawak-hawak ang boteng binigay saakin ni Zeion.
"What's the matter, dude? Beer lang yan!" Sigaw ni Drake sa kanya.
Tiningnan ni Adam si Drake at agad namang lumipat ang tingin niya sa akin. Binaba niya sa center table ang beer na hawak niya.
"Let's go home. It's already 12:39am. Baka pagalitan ka ni Mommy mo." Matigas na sambit niya at hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko na naging dahilan para manlaki ang mata ko.
Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa hindi ako makapanlaban. Bagkus, nabawi ko rin kaagad ang braso kong hawak-hawak niya. "2am ang paalam ko kay Mom. Besides, it's Saturday!" Inirapan ko siya.
Akmang uupo uli ako sa kinauupuan ko ng higitan niya uli ang braso ko. Shit! Anong problema nitong lalaking 'to?
"I said. Let's. Go." Lalo niya pang diniinan ang hawak saakin at saka tiningnan ako ng masama.
"What in the world do you think you're doing?!" I shouted him.
Rinig na rinig ko ang pagsigaw ng mga kaibigan ko dahil sa pagpigil nila kay Adam na huwag munang umuwi.
Umiling-iling na lang ako at saka nagpahila kay Adam dahil sa ayoko ring makipagtalo sa kanya.
Ngunit sa kalagitnaan ng pagkaladkad niya saakin ay nakaramdam ako ng lamig sa kabilang kamay ko.
"Let. Her. Go." Bigla kaming napahinto.
Tiningnan ko ang kabilang kamay ko at saka unti-unting iniangat ang ulo mula sa taong humahawak nito.
Laking gulat ko ng magtama ang mata namin ni Smoke na ngayon ay nagdidilim narin ang mata. He looks so serious and eerie.
"You. Must. Let. Her. Go."
BINABASA MO ANG
Walang TAYO [COMPLETED]
Humor"That heart does not belong to him." Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad. Patuloy akong tinutulun...