Is it for now?
"Doc, magiging maayos pa ba ang kalagayan ko?" Tanong ni Adam sa Doktor.
Patuloy pa rin na kumikirot ang puso ni Adam sa hindi malamang dahilan. Sa sakit, sa pagdurog ng kanyang puso, sa hapdi at sa mga salitang hindi niya mataim sa sobrang sakit.
"Hindi ka pupwedeng mapagod at masaktan hindi ba? I told that to you before Mr Red." Asik ng Doktor sa loob ng clinic.
Alam ni Adam na sobrang lubha na ng kanyang kalagayan. Alam ni Adam na kahit kailan ay hindi na siya gagaling pa.
"60/40 chances. I warned you before dahil sa nagiging malubha na nga ang butas ng puso mo. Pipilitin mo pa rin ba ang mamatay?"
Hindi na muling nakasagot si Adam. Gusto man niyang umiyak sa pagkakatong ito ngunit mayroong nagpipigil sa kanya. Sa bawat nararanasan niya ay mas gusto niya pang piliing mamatay at mawala sa mundong ito. Gusto niya lang kumawala sa lahat ng sakit na nararamdaman niya.
Dahil sa hinaba-haba ng taon na pinagsamahan nila ni Ashley, ang alam lang nito ay may hika lamang siya.
Ash’s Point Of View
After ng mangyari sa pagitan namin ni Adam, hindi na kami nagpansinan sa loob ng sinehan. Kumunot na lamang ang noo ni Smoke dahil nga sa ganun ang sistema namin ni Adam. Gusto ko ng umuwi that time, pero imbis na tatayo na ako ay nauna ng umuwi si Adam.
Hinatid nalang ako ni Smoke sa bahay namin nang matapos ang panonood ng sine. Alam kong umuwi si Adam hindi dahil sa takot siya sa palabas, umuwi siya dahil sa iba na ang naging atmosphere.
Paulit-ulit akong tinatanong ni Smoke kung anong nangyari kay Adam at sa’kin. Napansin niya kasing sobrang tahimik ko magmula ng magpunta kami ng Mall hanggang sa pag-uwi. Umiling-iling nalang ako sa kanya na pawang okay lang ako at nag-change topic na hanggang sa makababa na ako ng kotse niya.
Ilang araw ang nakalipas at hindi pa rin kami nagpapansinan ni Adam. Namimiss ko na siya. Iba kasi ang pakiramdam kapag kasama mo palagi ‘yung best friend mo. Pero wala eh, kasalanan ko lahat. Hindi ko manlang alam kung nasaan siya ngayon, kung sinong kasama niya, kung kumusta na kaya siya.
Wala naring gumigising sa’kin kapag papasok sa school kung kaya’t palagi nanaman akong late pumapasok. Wala narin akong kasabay mag-lunch maliban sa mga girl friends ko, kasi ayokong kasabay sila Drake, Ethan or sinuman sa mga kaibigan namin. Dahil malamang, may awkwardness na mangyayari. Wala na rin akong kasabay maglaro ng LOL. At higit sa lahat, wala naring mang-aasar at magsasabi ng jokes sa’kin kahit corny.
I feel so guilty for what I have said. It is true that every words that comes out into our mouth was totally powerful. So be careful to it.
Nandito ako sa classroom at nakapangalumbaba lang. Nag-iisip ako ng malalim kahit na wala naman akong isip. Nakwento ko narin sa mga girl friends ko na nagkaroon nga kami ni Adam ng hindi pagkakaintindihan nung nakaraan. Parang nasabugan naman sila ng bomba sa sobrang lungkot. Lalo na si Zeion.
“Wassup?” Napagitla ako ng may kumausap at lumapit sa akin bigla. Si Smoke.
“Hmm?” Nakatingala ako dahil sa nakatayo siya sa harapan ko at ako ay nakaupo sa upuan ko, hindi ko napansin na pumasok na pala siya.
BINABASA MO ANG
Walang TAYO [COMPLETED]
Humor"That heart does not belong to him." Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad. Patuloy akong tinutulun...
![Walang TAYO [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/127652739-64-k989484.jpg)