Kabanata 40

1.1K 62 21
                                        

Walang TAYO

T

his is the last chapter of Walang Tayo. Thank you for noticing my voice, my voice in my mind that has been heard. Thank you so much readers. For me, you're my family. 💙

See you on the next book that created by Smoke Sovar, "The Girl in the Moon". Ciao!

Adam’s Point Of View

“And for our Valedictorian, let’s all stand to give respect to our fellow good student, classmate, and family--- Mr. Smoke Sovar.”

Ang lahat ay tumayo at nagsipalakpakan. Kaming magkakaibigan naman ay talagang naghagis ng aming itim na graduation cap sa ere para kay Smoke.

“Wohooo! This is for you, Smoke!”

Nang masalo ko na ang graduation cup ko ay parang naging iba ang timpla ng emosyon ko ngayon. May halong lungkot at saya. Masaya ako dahil sa nakilala ko si Lucas o Smoke. Masaya ako dahil sa muntik ko na siyang nakaagawan kay Ash. Masaya ako kasi nasuntok ko manlang ang mukha niya noong nabubuhay pa siya.

Pero alam mo kung anong kinalulungkot ko ngayon? Ay yung hindi ko na magagawa ang lahat ng ginawa ko sa kanya noon. Hindi ko na siya masusuntok at tititigan ng masama.

“Are you alright?”

Bumalik ako sa wisyo nang marinig ang boses ng babaeng pinakamamahal ko, si Ash. Binigyan ko siya ng isang matamis at pilit na ngiti saka ako tumango sa kanya. Mukhang alam ko ang nasa isipan nito. Siguro ay---

“Di na sumasakit ulo mo?”

Tama nga ako. Tatanungin niya kung hindi na ba sumasakit ang ulo ko since mayroong malaking picture frame si Smoke dito sa stage. Siguro ay kulang na lang, si Smoke na ang mag-aari ng school na’to dahil sa halos mapuno na ang school ng mga tarpaulins, picture frames, at libro niya.

Marami ang umiiyak ngayon. Maski ang Mommy namin at ang nagpalaki sa kanya. Nakakatuwa lang dahil hindi naging hassle ang kasunduan ng mga magulang ko at ni Smoke--- yung nag-ampon sa kanya. Kung tutuusin nga, sabay pa si Mommy at ang Mommy nila Zeion na magsabit ng medal kay Smoke, eh. Sa tuwing tatawagin ang pangalan ni Smoke, talagang tatakbo pa yung dalawang yun para lang isabit ito sa malaking frame ni Smoke.

Hay, Kuya. I wish you were here. Kung alam mo lang, sobrang saya ng Graduation Day ngayon. Pero mas sasaya ito kung nandito ka. Naks! Valedictorian, eh.

Naiinggit ako sa'yo, Kuya. Akalain mo yun? Ang dami mong awards at medal! Samantalang ako? Pakshet. Ni isang kusing, walang nakuha!

Atleast, naka-graduate. Mwehe.



Ang tanging naalala ko lang nung mga gabi na ‘yun ay ang nag-usap kami ni Smoke sa labas ng Tut Bar. Actually, hindi naman talaga dapat kami mag-uusap. Lumabas ako dahil hindi ako makahinga sa loob, I need fresh air. Hinihika ako nung mga oras na iyon. Oxygen that I need to breathe, masyado kasing crowded sa loob ng bar.

“Bakit ka lumabas? May problema ba?” Nagulat ako noon nang tanungin ako ni Smoke at doon ko lang napagtanto na nasa labas na pala siya ng Tut Bar.

Umiling ako sa kanya at binigyan ko siya ng mapait na ngiti, “I can’t breathe…” Asik ko.

“May hika ka?” Tumango ako, “Mas malala pa sa hika.” Pag-correct ko sa kanya.

“Do you want me to call her for you?” Akmang papasok na sana siya ‘nun ng Tut Bar dahil tinutukoy niya si Ash. Pero pinigilan ko siya na huwag sabihin kay Ash na hinihika ako dahil sa alam kong magpapanic lang yung babaeng ‘yun.

Walang TAYO [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon