Kabanata 34

706 55 15
                                        

Acquaintance Party


Ashley’s Point Of View

“Hearts will never be practical until they are made unbreakable. By The Wizard of Oz.”

Halos magiisang oras na akong binabasahan ni Zeion ng libro tungkol sa The Wizard of Oz. Kanina pa rin ako bored na bored dahil sa nonsense niyang pinagsasasabi. Though, may sense ang mga sinasabi niyang quotes, eh hindi ko rin naman maintindihan kasi English!

“So tingin mo may pake ako jan sa binabasa mo?” Pagtataray ko habang bagot na bagot na nagtitingin ng Magazine dito sa fitting room.

Since busy si Alice na magsukat rin ng damit para sa susuotin mamaya sa acquaintance party, si Zeion na lang muna ang sinama ko. Kailangan ko kasing takasan ‘yung dalawang ungas na pupunta daw sa bahay.

Inirapan na lang ako ni Zeion at saka umayos ng upo. Hindi pa rin siya natatapos sa binabasa niyang The Wizard of Oz. As far as I know, matagal na ‘tong librong ‘to dahil pinalabas na ito sa sinehan.

“Ms. Salvador?” Kumunot ang noo ko at tumingin sa baklang tumawag sa’kin. Ang make-up artist ko mamaya at siya rin ang naggawa ng gown ko for acquaintance party.

Hina-hand sign niya ako na lumapit sa kanya. Sinilip ko naman ang katabi kong si Zeion na busy pa rin sa kakabasa ng libro. Binaba ko ang binabasa kong magazine at saka pumunta kaagad sa kinaroroonan nung baklang pinagkuhanan namin ng gown ko.

Pumasok ako sa isa pang pintuan at saka ko tiningnan ang magandang gown na nakalagay sa mannequin. Shit. This looks so stunning!

Tube ang style ng red gown na’to. Cocktail siya na maiksi ang sa harap at mahaba ang sa likod. Parang pa-flower type rin ang tube nito. Kumikinang rin ang mga diamond beads na kulay silver. Kahit na magara rin ang suot ko nung 18th birthday ko, feeling ko parang magde-debut uli ako nung nakita ko ‘tong gown na’to.

“So here’s your mascara.” Tiningnan ko ang maskara na tinutukoy nitong baklang ito. Ang maskara rin ay kulay pula at pawang nalulunod sa silver na glitters. Sobrang ganda niya!

I can’t wait to see myself later.











Nahihiya pa akong pumasok dito sa convention center nitong school namin. Fudge, nahihiya ako. Nakakakinig. Nakakakilabot! Di ako sanay.

“You look so beautiful kaya!” Saad ni Zeion na naka-blue gown. Hindi kami magkaparehas ng suot ni Zeion dahil sa full long-gown ang suot niya. Harap at likod.

Beautiful? Eh, naka-maskara nga ‘yung mukha namin. Niloloko ba ko nitong babaeng ‘to?

“They will not recognize us.” Saad ko at lakas-loob na pumasok na ng convention center.

Kahit naka-maskara ang mga tao dito, ay natanaw ko kaagad ang mga kaibigan namin na nasa mahabang table. Tanging ang table lang yata namin ang naiiba nanaman. Dahil ang ibang table ay naka-hugis bilog na kulay puti at pula ang tela. Habang ang table naman naming magkakaibigan ay isang mahabang lamesa nanaman na may itim at pulang tela.

“Oh, there you are!” Tinuro ni Zeion ang lugar na kanina ko pa nakita.

Pinuntahan namin ang mga kaibigan namin doon. Agad namang napatayo si Drake at hinigit ang baywang ni Zeion na ikinatuwa naman nito. Nakita ko si Smoke na nakaupo lang sa upuan at napalagok na lamang ng wine dahil sa kalandian ng kapatid niya.


May hinahanap ako…

Wait, where’s Adam?


“If you’re finding him, nagre-ready siya. I have to go.” Kinilabutan kaagad ako sa pagbulong sa’kin ni Smoke sa tenga ko. Bakit… Bakit parang alam niya yung nasa isip ko?

Walang TAYO [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon