Kabanata 17

975 90 18
                                        

First Day

Ash's Point Of View

Nandito na ako sa coffee shop at nakatulala pa rin sa 'di mapaliwanag na dahilan. Maganda ang coffee shop na ito. Ang mga dingding ay gawa sa kulay brown na kawayan at ang sahig naman ay gawa sa tiles. Iisang bilog na lamesa lamang ang pinapalibutan namin ni Smoke. Hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako dahil sa sinabi ni Adam kanina lalo na nung kausapin niya si Mommy tungkol doon.

Gahd! I know na nagloloko lang si Adam. Never siyang nagkakagusto sa mga babae, kahit na ako. He's a gay. He's a fucking gay! Alam kong ginagawa niya lang 'yun para mapalapit lalo kay Smoke KO. Jesus!

Kung may gusto si Adam kay Smoke, ibig sabihin ba nun eh matalik na karibal ko ang best friend ko? Shit. What a traitor!


"Hey, Ash? Are you okay?" Napagitla ako at napaayos ng upo mula sa pagkapalumbaba ko kanina at pagkatingin sa kawalan. Nakalimutan ko, nasa harapan ko pala si Smoke KO.

Tumango-tango ako. "I-I'm sorry." Nahihiyang saad ko.

Tumingin si Smoke ng seryoso sa aking mga mata na naging dahilan para mapatingin ako sa lamesa. Nakalagay naman ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng aking binti at kinakalikot ko ang aking mga daliri dahil sa sobrang kaba. Napalunok ako ng madiin dahil sa hindi ko makayang tensyon ng pagtitig niya. Bakit ganito! Jusko. Aatakihin ako sa mga titig mo, Smoke KO.

"What's bothering you?" Aniya.

Umiling-iling ako. "Wala n-naman, sige na. Ituloy mo lang." Mapait na pagngiti ko. Hindi ko pa rin magawang tumingin sa mga mata niya kung kaya't sumulyap lang ako at saka tumingin muli sa lamesa.

Tumango siya at saka inilahad sa akin ang isang libro na nakabukas na. Makapal ang libro at mukhang tatamarin nanaman ako. May blue itong cover at ang pahina ay nasa number sixty-nine. Tinititigan ko lang ito at ang ituturo pala sa akin ni Smoke ay ang Biology book. Wala nanaman akong maiintindihan dito.

Nakatitig lang ako sa nakabukas na libro na parang ewan. "So ATP stands for Adenosine Triphosphate. And ADP stands for Adenosine Triphosphate." Panimula niya. Tumango-tango ako ng dahan-dahan na nagsasabing, 'Ahhhhh okaaaay.'

Puro ako tango pero sa totoo lang, wala talaga akong maintindihan sa mga pinagsasasabi niya. Wala akong future dito sa kahit anumang subject na'to. Hindi ko forte ang pag-aaral.

Wala naman talaga akong pangarap sa buhay, eh. Napunta lang ako sa Rich Academy dahil sa mayaman nga ang parents ko. Pero hanggang d'un lang. Kung tatanungin ako kung anong gusto kong maging pagdating ng college, wala talaga.

Kaya ko namang maging mahirap. Hindi naman ako maarte sa kung ano ang nais ipagawa sa'kin. Ang sakin lang, tamad talaga akong mag-aral. Para sa akin kasi, magkaiba ang matalino sa masipag lang. Kung matalino ka at wala kang sipag, wala talagang mangyayari sa buhay mo. Pero kung masipag ka at kahit mahina ang utak mo, kayang-kaya mo naman gawin ang lahat dahil sa pagpupursige mo.

At kung tatanungin ninyo ako kung ano ako sa dalawang iyon? Malamang, wala.



5pm na ng matapos ang pagtu-tutor sa'kin ni Smoke. Papunta kami sa parking lot para makapunta na sa kung saan 'mang destinasyon namin. Dalawang oras lang akong nakatengga at nakatulala sa magandang niyang mukha. Ewan ko ba, pero parang mas lalo lang akong tatamarin kapag si Smoke ang nagturo. Dahilan na puro sa kanya lang napupukaw ang atensyon ko.

Walang TAYO [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon