Kabanata 15

922 104 25
                                    

Tutor

Ash’s Point Of View

Muling in-announce ni Ma’am ang scores ng exam namin. From highest to lowest scores.

Ang mga kaibigan ko ay nasa average grade. Kabado naman ako sa magiging kalabasan ng score ko kahit na aware naman akong bagsak ako.


“Alright. So Ms. Salvador got the lowest score. What happened, Ash?”

Ngayon ay napagtanto ko na kinakausap pala ako ng teacher ko. Hindi kasi ako nagbibigay ng atensyon pagdating sa mga announcement na yan.

“Ma’am?” Pag-uulit ko na parang walang narinig.

“I said, bagsak ka. You’ve got 69 on your grades. Gusto mo bang bumalik ng Senior Year at hindi maka-graduate?” Seryosong saad niya.

Nakipagtinginan ako kay Ma’am at isinandal ang sarili ko sa upuan na parang tamad na tamad. Nakabukaka rin ako ng bahagya pero hindi naman masyado. Nguningiwi-ngiwi na rin ako na nagsasabing 'Wala akong pake.'

“Uhm, the last time I checked, gusto ko pa naman grumaduate.” Sarkastikong saad ko at saka siya binigyan ng pang-asar na ngiti.

Umiling-iling si Ma’am saakin. “Alright. From now on, you will be tutored by Mr. Sovar. Is it alright for you?”

Namilog ang mga mata ko nang marinig ko iyon. Alam kong ganun rin si Smoke pati na ang mga kaibigan ko. What? Magiging tutor ko si Smoke? No! Nakakahiya!

Parang nanigas ako ng ilang segundo bago sumagot kay Ma’am. Una sa lahat, ayokong mag-aral. I can learn by my own! Hindi ako bobo, tamad lang. Besides, hindi ako kinder para mangailangan ng tutor kahit na si Smoke pa ‘yan or kung sinumang nuno. Lastly, alam kong busy ng sobra si Smoke lalo na sa mga book signing niya. Kung ang pagsasabay niya nga ng acads at pagpapa-book signing ay hindi niya na kaya. What more kapag tinutor niya pa ako? Nako. Mabibwisit lang siya!

Napaayos ako ng upo, “What? N-no way! I can study. You don’t have to teach me what I must going to do!” Medyo pasigaw na sambit ko kay Ma’am.

Napalingon naman sa akin si Smoke na walang ekspresyon. Umiling-iling ako sa kanya na nakakunot ang noo na nagsasabing ‘ayoko’. Nananahimik lang ang isang ito tapos guguluhin ko yung buhay niya? I don’t need this piece of shit! It’s just a waste of time, waste of energy!

Tumaas ang kilay ni Ma’am. “Why not? You know what you are going to do? Then what is it, Ms. Salvador? To be in the bottom of the class and for not paying attention during class hours? To be late every first subject? Or just being sleepy butt while in the classroom?”

Biglang yumukom ang kamao ko sa mga sinabi niya. Alam kong nakatingin na lahat ng mga kaklase ko pati ang mga kaibigan ko pero wala akong pakielam. Yes, she has a point. My butt hurt for giving me a painful honesty for the fact that I’m useless. Gusto ng mag-init ng mata ko sa pag-iyak ngunit pinipigilan ko lang.

Akmang tatayo na sana ako, ngunit nagulat ako ng magtaas si Adam ng kamay. Kumunot naman ang noo naming lahat.

“Yes, Mr. Red? Stand up.” Utas ni Ma’am.

Tumayo si Adam na naka-poker face. “I can be her tutor.” Suhestyon nito.

Wait. Seryoso ba siya?! The last time I checked, magkagalit kami. Saying good byes are enough just to keep my sanity.

Nanlaki ang mga mata ko. Alam kong matalino si Adam. Pero isa’t-kalahating tamad rin ‘yan! Opposite nga sila ni Smoke. Na kay Smoke na ang lahat ng positive sides, at kay Adam naman ang puro negative. Ang pinagkaiba lang nila is parehas silang gwapo. Parehas ring matipuno at habulin ng babae. But at the end of the tally, Smoke was still a winner!

Nakita ko naman ang pag-iling ni Ma’am na parang dismayado na hindi mo maintindihan. “No, Mr. Red. I know that you and Ms. Salvador are really close. So I don’t want to tolerate you to teach her in her absentees. It is much better that she’ll be with someone who has capability to do the right things. I know that Mr. Sovar will do the best thing than you could ask for. Am I right, Mr. Sovar?”

Napanganga naman ako sa sinabi ni Ma’am. Yung totoo? Kelan ba kami kakausapin nito ng hindi siya nage-english? Dudugo na ilong ko, eh. Tissue nga!

Napabaling naman ang tingin ko kay Ma’am na ngayon ay nakatingin na kay Smoke. Tumango lang si Smoke at nakatikom ang bibig. I know that he’s not ready for this. So I texted him quickly.

Walang TAYO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon