Acceptance
Ash's Point Of ViewNandito na ako sa coffee shop kung saan kami palaging nagkikita ni Zeion. Halos 30 minutes na akong naghihintay pero wala paring Zeion ang nagpapakita sa’kin. Um-order ako ng short Macchiato para sa aming dalawa. I closed my eyes for a second and sighed deeply.
Nanliit ang mga mata ko nang matanaw ko na si Zeion. Lumapit na siya sa pwesto ko ng makita niya ako ng walang ekspresyon sa mukha. I know that she's still mad at me. Nakikita ko iyon. And I feel sorry for what I did..
“H-hi.” Nahihiyang pagbati ko at binigyan siya ng tipid na ngiti. Nagawa ko pang tumingala at tumingin sa mga mata niya ng ganun-ganun na lang.
Alam kong may pagkukulang ako. Kung kaya’t nandito ako upang bumawi sa kaibigan ko. Kasalanan ni Adam itong lahat! Argh.
Umupo na siya sa tapat ko. Isang maliit na round table lang kasi ito. Saktong pang-dalawahang tao lang. Hindi manlang niya nagawang batiin ako o tumingin manlang sa mga mata ko. Nakaiwas siya ng tingin at pawang nakatingin sa labas.
“Drink your coffee na, medyo malamig na ‘yan. Uhm, kung gusto mo mag-oorder nalang uli ak—“
“Anong kailangan mo?” Pagputol niya sa mga sinabi ko. Ngayon ay nakatingin na siya sa mga mata ko na pawang nagdidilim ang paningin nito sa akin.
Yumuko ako, “I-I just want to say that I’m really sorry for what happened.” Sensirasyong sambit ko.
Tumango-tango siya. “It’s okay, I didn’t expect na ganito ang gagawin mo sakin.”
“You know that me and Adam are best friends. Please Zeion, walang malisya lahat ng ‘yun.” Pagpapaliwanag ko. Patuloy paring nakatitig ang kanyang mata saakin at hindi kumukurap. I saw her light-brown eyes na talagang namimilog kapag nakatingin ito.
Huminga uli ako ng malalim at saka nakipagtapatan sa kanyang mga mata, “You know that I’m not a traitor nor slut.” Dagdag ko pa.
“In just one condition,” She said.
Biglang namilog ang mga mata ko sa kanya nang sabihin niya ‘yun. Ano namang kondisyon?
“Since that I opened my Kuya’s cellphone last night, I knew that you too were having a dinner date later. Am I right?”
Wait, what? Kailan pa naging pakielamera itong si Zeion sa aming dalawa ni Smoke? Urgh. Nakakahiya.
I nodded slowly. “Alright. Just text Adam that he should've a dinner date with me. Now.” Ngayon ay seryoso ang pagkakasabi niyang iyon at nakataas ang kanang kilay niya. What's the plan?
Hindi ko maintindihan. Pero parang hindi ko kayang gawin ‘yun. Hindi dahil sa magseselos ako or what. Kilalang-kilala ko kasi si Adam, tiyak na ire-reject niya lang si Zeion mamaya sa dinner date kuno nila. At ayokong mangyari ‘yun!
“O-okay.” I want to think more about this. Though labag sa loob ko ang kundisyon niya, kailangan ko itong gawin just to forgive me.
Kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa shoulder bag ko. I started to text Adam.
Me:
Adam! Itext mo si Zeion ngayon, yayain mo siyang i-dinner date. May prize ka sakin mamaya pagkauwi ko. Here’s the number. 09945671234
Pinindot ko na ang ‘send’ button at saka ibinaling muli ang atensyon kay Zeion na ngayon ay parang naghihintay na ng reply ni Adam. Inilapag ko naman ang cellphone ko sa tabi ng tasa ko sa lamesa.

Wala pang isang minuto ay nag-reply na si Adam. Nae-excite naman si Zeion dahil mukhang ramdam niya na si Adam ang nagtext.
BINABASA MO ANG
Walang TAYO [COMPLETED]
Humor"That heart does not belong to him." Hi. I'm ASHLEY SALVADOR. Isang ordinaryong babae na ang pag-aaral ay wala sa bokabularyo ko. Humahanga ako kay SMOKE SOVAR na isang sikat na manunulat sa larangan ng aplikasyon na Wattpad. Patuloy akong tinutulun...