Kabanata 21

766 76 8
                                        

Happy Birthday.

Narrator's Point Of View

Hindi namalayan ni Ash na siya pala'y nakatulog na sa mga bisig ni Adam. Basang-basa pa rin silang dalawa at nagising si Ash dahil sa sobrang kalamigan ng aircon na dumadaloy sa kanilang dalawa.

"Shit." Napaismid ito nang mapagtanto niyang katabi niya pala si Adam sa iisang kama.

Tinitigan niya si Adam at pawang kumunot ang kanyang noo dahil sa nasilayan. Si Adam ay halos mamatay na sa sobrang panginginig dahil sa lamig.

"Teka, ang init mo ah." Asik nito sa kaibigan. Hinipo ni Ash ang bawat mukha at leeg ni Adam at ramdam niya ang sobrang pagkatindi ng init sa katawan nito.


Dali-daling tumayo si Ash mula sa kama ng kwarto ni Adam at saka dumiretso sa kusina. Wala pa rin ang mga magulang ni Adam sa kanila dahil sa busy ang mga ito sa bakasyunan.

Naghanda si Ash ng panyo at planggana na naglalaman ng malamig na tubig. Kaagad rin namang tumakbo ang dalaga pabalik sa kwarto ni Adam na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin.


Inilapag ni Ash ang planggana sa tabi ni Adam sa may lamesa ng kanyang kwarto. Pinatay na rin ng dalaga ang aircon upang mabawasan ang lamig na nararamdaman ni Adam. Mas dinagdagan rin ni Ash ang mga kumot na ibabalot kay Adam.

"Shit, Adam! What have you done!" Naguguluhang pagsaad ni Ash. Ginugulo-gulo nito ang kanyang buhok kasabay ng kanyang pagngatngat ng kanyang kuko na di mawari kung ano ang nais gawin.

Iniisip ngayon ni Ash na tanggalin ang mga basang damit ni Adam kagabi dahil sa parehas silang naulanan at hindi nakapagpalit. Kinuha ni Ash ang mga makakapal na damit ni Adam sa cabinet nito. Ang makapal na jacket, medyas at.... pajama.

Kabado pa rin ang dalaga dahil sa hindi niya talaga alam ang gagawin. Tinanggal niya ang sapatos ni Adam at ang medyas nito. Hinipo niya ang paa nito dahil sa ang talampakan niya ay namumuti na sa sobrang lamig.

Pumunta si Ash sa lamesa na nasa tabi ni Adam. Umupo ito sa kama upang tumabi sa binata. Kinuha niya ang panyo sa plangganang naglalaman ng malamig na tubig at saka ito piniga. Ipinapahid-pahid niya ang panyo sa bawat parte ng mukha ni Adam. Sobrang nag-aalala ang dalaga sa kanya.

Titig na titig si Ash sa mukha ni Adam. Mula sa kanyang makinis na mukha, sa mahahabang pilik-mata, sa matangos nitong ilong, at sa mapupula at manipis nitong labi.

Napahinto ang kamay ni Ash sa pisngi ni Adam kasabay ng kanyang pagtitig sa labi nito.

"This is the lips that I have kissed before." Bulong ng dalaga kasabay ng kanyang pagngisi. Ang pagngisi na ito ay sobrang nakakakilabot.

Umiling-iling si Ash nang mapagtanto niyang mali ang ginagawa niya. Ang tanging magagawa niya na lamang ay ang magtanggal ng basang damit ni Adam kagabi.

"Adam, stand up!" Pasigaw na asik ng dalaga kay Adam. Pilit niyang tinutulungan na makaupo ang nanginginig na si Adam.

"Hmm." Muktol na sagot ni Adam sa kanya.

Nang makaupo na si Adam sa kanyang kama ay unti-unting tinanggal ni Ash ang t-shirt ng kanyang best friend.

Mas natulala pa si Ash nang tumambad sa kanyang harapan ang maganda at kahandik-handik na katawan ni Adam. Kitang-kita ang kanyang naglalakihang abs na naging dahilan para mas lalong mapanganga ang dalaga.

Walang TAYO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon