Si Cali Kaliskis

4.4K 5 0
                                    

Masipag pumasok sa eskuwela si Cali. Ayaw niyang lumiliban sa klase. Ngunit hindi naman siya nakikinig sa kaniyang mga guro. Nag-iingay lamang siya at nang-aasar ng mga kaklase. Ang masama pa, nananakit siya.                    

          Isang araw, may ipinakilala ang kaniyang guro sa harapan ng klase. "Class, siya si Pablo Palicpic, bago ninyong kaklase. Galing siya sa... Saan ka nga galing, anak?" tanong ni Ginang Manuel kay Pablo.                    

          "Ma'am, alam ko po kung saan siya galing.." sabad ni Cali. Tapos, mahina niyang sinabi, "Sa palaisdaan." Nagtawanan tuloy ang mga kaklase niya.                    

          "Cali! Ganyan ba ang dapat na itrato sa isang bagong dating na kaklase?'' mahinahong turan ng guro pero may tono ng pagkagalit.                      

          "Sorry po, Ma'am," wika ni Cali, na parang walang nakarinig sa kaniya.                    

          "Sige na, Pablo. Maupo ka na doon sa bakanteng upuan. Huwag kang mahihiya, ha? Lumapit ka lang sa akin kung may gusto kang sabihin."   

          Tumango-tango lamang si Pablo.                      

          Noong araw ding iyon, napaiyak ni Cali ang bagong lipat na si Pablo. Nalaman na lang ni Ginang Manuel ang nangyari dahil nagsumbong ang babaeng kaklase nila.                    

          "Totoo ba, Pablo, na pinaiyak ka ni Cali?" Hindi na nagtataka ang guro sa asal ni Cali. Hindi na ito bago sa kanya. Hindi na nga niya ito pinapagalitan nang husto dahil parang lalo lamang siyang nagpapasaway. "Cali, huwag naman ganyan, anak. Kaibiganin mo naman si Pablo, gaya ng..."                        

          "Kaya nga po, Ma'am," singit ni Cali. "Kinakaibigan ko nga po siya."                      

          "E, bakit umiyak?" tanong ng guro, habang inaalis ang kaniyang salamin sa mata, upang sipatin ang mugtong mga mata ni Pablo. "Tapos, humihikbi pa siya, o. Tahan na, anak."                        

          Hindi nakasagot si Cali. Kinuha na lamang niya ang kuwaderno at nagkunwaring nagsusulat ng leksiyon.                          

           "Bakit umiyak si Pablo?"                      

          Nagulat si Cali sa boses ni Ginang Manuel. Nakalapit na pala ang guro sa kaniya.                    

          "Sumagot ka!" Naiinis na sa kaniya ang guro. "Bakit mo pinaiyak si Pablo?"                        

          Nang ayaw sumagot ni Cali, kaklase nila ang nagsabi. "Ma'am, sinabihan niya po kasi na amoy-isda raw si Pablo," walang takot na sumbong ng isang matabang kaklase.                      

          "Hoy, bakla!" Galit na galit siya sa kaklaseng nagsumbong. "Sumbongera ka talaga. Hindi ko sinabi iyon. Sinungaling!"                      

          "Hay, naku, Calixto, hindi ako naniniwalang hindi mo sinabi iyon. Simula't sapul, wala ka nang ginawa, kundi ang mam-bully ng kaklase mo. Grade 3 ka pa lang, ganyan ka na. How much more pagdating mo sa high school. Siguro, basagulero ka na,'' ang mahabang litanya ni Ginang Manuel, habang napapakamot sa ulo. "Magbago ka na sana, anak, bago mahuli ang lahat..."                

         Tumahimik ang buong klase. Parang nahipnotismo sila sa sinabi ng kanilang guro.                      

          Mas lalong lumala ang ugali ni Cali. Madalas siyang mahuling nang-aasar lalo na kay Pablo. Kaya, isang oras ng uwian, Biyernes noon, pinaiwan ni Ginang Manuel si Cali.                      

Mga Kuwentong PambataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon