Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis.
Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng telebisyon, at maglaro.
Ayaw niyang munang bumangon dahil natatakot siyang utusan ng kanyang ina, ama, ate, at kuya.
Mayamaya, nanaginip si Tommy.
Sa kusina, naghuhugas ang ina ng mga plato, baso, tinidor, at kutsara.
Sa likod-bahay, nagkukumpuni ang ama ng sirang upuan.
Sa sala, nagwawalis at nag-aayos ang kanyang kuya.
Sa kanilang bakuran, nagwawalis ang kanyang ate.
Nagising si Tommy, ngunit ayaw niya pa ring bumangon. Kaya, muli siyang natulog at nanaginip.
"Ikaw, Tommy, parurusahan kita dahil tamad ka at ayaw tumulong sa mga gawaing-bahay," sabi ng diwata.
Takot na takot si Tommy nang siya ay magising.
Agad siyang bumangon at lumabas sa silid.
Umiyak si Tommy, habang hinanap ang kaniyang pamilya.
"Nasaan na po kayo? Pangako ko, hindi na akong magiging tamad."
Tawa nang tawa ang kanyang ina, ama, ate, at kuya sa likod ng pinto.
Simula noon, masipag na si Tommy. Siya na ang nagliligpit ng kanyang kama.
Tumutulong na siya sa mga gawaing-bahay. Tinutulungan niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid.
BINABASA MO ANG
Mga Kuwentong Pambata
Cerita PendekAng mga bata ay mahilig sa kuwento kaya ang mga kuwentong ito ay dedicated para sa kanila.