payb

27 3 2
                                        


Sean's POV

Yo! Ako muna ang bibida sa chapter na ito at pahinga muna tayo kay pandak. Wag ninyo ko susumbong sa kaniya ha? Malakas manapak ang kaibigan naming yun kahit maliit siya.

Pagdating namin sa mansion ng mga Arcadios ay agad kaming sinamahan ng mga tauhan ni Uncle sa kaniyang opisina. Yup, Uncle ang tawag namin sa Leader ng Arcadios napalapit na rin kasi kami sa pamilya nila.

"Sean, Eupheemia mabuti naman at narito na kayo" sabi sa amin ni Uncle pag-pasok namin sa kaniyang opisina.

"Uncle naman sabi ng Euphee na lang. Makakalimutin ka na talaga ilang beses ko ng sinasabi sayo to eh!!"

Si Euphee lang ang may kayang sagut-sagotin si Uncle. Sa totoo lang talaga nakakatakot siya lalo na kapag sobrang galit. Madalas na seryoso itong si Uncle pero kapag kami-kami na lang ang magkakasama ay lumalabas ang pagiging palabiro niya.

"Wag ka ng magalit hija at baka pumangit ka. Sige ka ikaw rin".

"Sige na nga Uncle. Sayang naman ang ganda ko kung ganun". Lakas talaga ng hangin sa katawan nitong babaeng to. Natawa na lang kami ni Greg sa dalawa.

"Asan po si Auntie Mira?"

"Nagpapahinga na siya sa taas Hija." Tumango-tango na lang siya. Mabuti na lang at ligtas din sila Auntie at Uncle. Si Greg din ang nakakita sa mga magulang niya.

"Dad may ideya na ba kayo kung sino ang salarin sa pagsabog na iyon?"

"Mukhang ang mga Villarama ang may kagagawan nito."

"Villarama?"

"Oo anak, bagong tatag pa lamang ang kanilang mafia ngunit mabilis na lumaki ang kanilang grupo. Akala nila siguro ay mapapabagsak niya kami dahil nagsama-sama ang tatlong bigating Mafia group sa pagtitipon na iyon." Bukod kasi sa mga Arcadios at Basch naroon din ang mga Zantiere.

"Naghahangad siya na makapasok sa top 5. Isa siyang malaking engot dahil hindi niya alam na hindi ganun ka weak ang mga Mafia na kinalaban nila. Akala nila siguro easy lang". Sabi ko sa kanila

"Paano ninyo na man po nalaman ang lahat ng 'to Uncle?" Si Euphee naman ang nagtanong.

"Nadakip namin ang ilan sa kanilang mga tauhan. Wag na kayong mag-alala ang Basch at ang Zantiere na ang bahala sa kanila. Malamang sa oras na ito ay wala na ang Villarama." For the purge ang mga fersons.

Sayang akala ko pa naman mapapasabak ulit kami sa panibagong aksyon. Oh well.

"Maari na kayong umuwi at may klase pa kayo bukas". Aalis na sana kami ni Euphee ng magsalita ulit si Uncle.

"Siyanga pala Hija nagustuhan ko ang performance ninyo kanina at talaga namang napakaganda ng iyong boses". Napangiti naman si Euphee sa sinabi ni Uncle.

"Siyempre naman Uncle magaling kaya kami. Partida walang practice. Sabi ko nga po kay Greg mag duet kami, eh kaso po tinatamad daw po siya". Sagot ni Eupheemia. Sa totoo lang magaling kaming lahat kumanta pero naisipan lang namin na si Eupheemia ang maging vocalist dahil siya lang naman ang hindi tumutugtog ng kahit na anong instrumento. Ang alam ko magaling siya, sa katunayan marunong siyang mag-piano, violin, flute at iba pa. Hindi namin alam kung bakit ayaw niyang tumugtog.

Nasa pinto na kami ng huminto si Euphee at humarap kay Uncle.

"Ahhhmmm Uncle kakapalan ko na ang mukha ko. May pagkain ba kayo dito? Kanina pa ko nagugutom. Epal naman kasi yang mga Villarama na yan di tuloy ako nakakain." Gutumin talaga siya.

Natawa naman sa kaniya si Uncle. Kumain muna kami at saglit pang nagkwentuhan. Hindi na kami nag-tagal doon at umuwi na din kami. Hinatid ko muna pauwi si Euphee ayaw kasi niyang gamitin ang kaniyang sasakyan mas gusto niya kasi ang magcommute.

The Leader: Nickolaus AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon