Euphee's POV
HIDEOUT
"Habang wala pa yung dalawa gusto ko munang mag congrats sayo Euphee sa panliligaw mo kay Captain. Buti ka pa di ka TORPE" may kasamang mapang-asar na palakpak pa at talagang dinikdik pa ni Sean ang pagkakasabi niya ng torpe.
"Hoy hindi ako torpe gagong to.". Defensive na sabi ni Greg.
"Hahahahahahahaha pare wag masiyadong defensive".
"Alam ninyo namang hindi pa pwede diba? Ayokong madamay si Anais sa magulong mundo ng Mafia."
"Oo nga naman Sean. Ikaw palibhasa wala kapang lovelife" asar ko sa kaniya.
"Para namang meron ka rin no?"
"Mag-antay ka lang malapit na". Sabay belat sa kaniya.
Tok......Tok...... Tok..........
"Baka sila na yan". - Greg.
Bunuksan naman ni Sean ang pintuan at pumasok naman sina Renz at Marco.
Si Renz ang nagsisilbing mata namin tuwing may mga mission kami. Siya din ang bahala sa mga bagay na may kinalaman sa teknolohiya ng mafia gaya ng pangha-hack sa mga CCTV cameras, alarms at iba pa. Inventor din namin siya.
Si Marco naman ang pinaka leader ng mga nagtetraining sa mga baguhan sa Mafia.
"Since nandito na kayong dalawa, umpisahan na natin ang pagpaplano"
At nagplano na nga kami. Ako ang unang nag-suggest kung ano ang dapat naming gagawin. Sinuportahan naman ako ni Renz dahil halos pareho kami ng naisip. Nakikisali din sa usapan sina Marco at Greg.
Tinatanong ninyo ba kung anong na contribute ni Sean sa meeting namin na to? WALA!!!! Akala ko wala kaming maipaplanong maganda eh. Paano si Sean ang kulit. Tanong ng tanong ng mga wala namang kwenta gaya ng:
'Ano ang nauna ba? itlog o manok?'
'Bakit firetruck ang tawag eh hindi naman apoy ang laman nung truck na yun kundi tubig'
'Paano mo kaya malalaman kapag tulog na ang langgam?'
At kung anu-ano pang tanong niya. Tinadyakan ko na nga siya para lang tumigil eh. Hindi siya nauubusan ng energy parang sina android 17 at 18 lang eh.
"Sorry Young Master. Hindi ko agad na detect na may nangyayaring ganito sa Mafia. Masiyado kasi akong naging tutok sa mga bago kong invention".
"Ayos lang Renz, makakabawi ka pa naman basta ikaw na ang bahala na magkalap ng mga ebidensya at impormasyon".
"Pangako, Young Master"
"Ikaw naman Marco, bantayan mo ding mabuti ang mga bagong recruit at ang iba pang mga tauhan. Sean tulungan mo na rin si Marco"
"Masusunod Young Master" - Marco
"Yes na yes Young Master" Sean
Tumingin naman sa gawi ko si Greg.
"Tayong dalawa ang mag-iinspect ng mga baril bukas sa Warehouse. Baka may makalusot na namang peke".
"Aye aye, Young Master!" Sumaludo pa ako sa kaniya.
"May katanungan pa ba kayo?" - Greg
"Ano ang sabi ni letter P kay Letter Q?"- Sean
"P-papatayin na kita dahil tanong ka ng tanong pa-Q ka!!". Sinikmuran ko naman siya. Mahina lang naman yun
"Aray naman Euphee! Parang nagbibiro lang eh". Pinalo ko naman siya sa braso ang OA niya eh.
Ring.......🎶🎶🎶🎶🎶Ring....🎶🎶🎶

BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
Ficção GeralEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...