Euphee's POV
School
Nasa Gym kami ngayon at nanunuod ng practice. Nagpapahinga din ang mga varsity, actually kakatapos lang kasi ng practice game nila.
"Grabe yung kagabi tol. Akala ko talaga maiuuwi mo na kagabi yung vocalist. Ang sexy talaga niya tol. Sana ako na lang ang nilapitan niya. Sayang nga lang at hindi natin nalaman kahit man lang pangalan niya." In your dreams Drei.
Naging alerto ako sa sinabi ni Drei pero nagkunwari akong busy sa paglalaro sa phone ko at nakasuot ako ng earphones na nasa pinaka mahinang volume. Wala sina Corinne dahil pumunta sila sa Canteen.
"Yeah, don't worry I think I already know her but I don't think it's her also." Ramdam kong may nakatingin sakin at si Pogi sigurado yun. Shit! Bistado na ba ako?
"Ang gulo mo naman. Ano ba talaga? Sino ba sa tingin mo?" Bakit ka pa nagtanong Drei.
This time mas dumami na ang mga matang nakatitig sakin. Pinag-igihan ko lang ang paglalaro sa phone ko kahit na sa totoo lang kanina ko pa gustong umalis dito pero baka mahahalata lang ako kaya wag na.
"Malabo Tol. Ang ganda pa naman nung babae at ang sexy. Matangkad din siya." Siyempre na ka 6-inch lang naman ang heels ng suot kong boots kagabi. Sinikap kong hindi mag-react kasi nakatingin pa rin sila sakin kahit na sa totoo lang gustung-gusto ko ng basagin ang bungo ni Drei dahil hindi siya marunong mag appreciate ng tunay na Kagandang ng isang Diyosa. Di bale makakasapak din ako sakaniya balang araw.
"Yeah, I agree". Nagsasalita din pala si Lazarus akala ko puro tango lang siya. Talagang nag agree pa siya ha!
"Captain practice na daw ulit sabi ni coach". Salamat naman at dumating si Sean. Kaya nakahinga na ako ng maluwag.
Pasakay na ako sa kotse ko para makauwi ng may biglang humablot sa braso ko.
"Ano ba? si-- ay boy tango, may kailangan ka?" Akala ko naman kung sino si Lazarus lang pala.
"I know your secret" hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Sa klase ba naman ng tingin niya kahapon kay Natasha eh.
"Don't worry I won't tell him. Malalaman na rin naman niya, naghihinala na rin siya na ikaw yung babae kagabi".Sana naman wag munang malaman ni Nick na ako yun. Kanina ko lang narealize na nakakahiya pala yung ginawa ko kagabi.
"Bakit hindi mo sabihin kay Nick? Diba magkaibigan kayo?" Diba dapat tinutulungan niya na ang kaibigan niya?
"Well it's for him to find out." Ayos din tong si Boy Tango ah.
"And please tell Natasha not to wear those kind of clothes again. Ayokong may tumitingin sa kaniya bukod sakin." Kung andito siguro si Natasha siguradong hinimatay na yun sa kilig.
"Wag kang mag-alala bantay sarado namin siya". Natatawa talaga ako naaalala ko kung paano mahiya at magpabebe si Natasha kapag sila na ni Lazarus ang topic namin.
"Thanks, but no thanks, I can handle that. Kaya ko siyang bakuran". Possesive pala si boy tango.
"Yeah, I know. Mafia Boss ka eh, takot lang nila na kalabanin ka." Huli na ng napagtanto ko ang sinabi ko.
Shit!
"I knew it. Ikaw yung astig na babae na nakikipaglaban nung birthday ni Drei hindi ba? Ibig sabihin miyembro ng buong Mafia Arcadios ang Dissydia?". Mabilis naman akong umiling sa kaniya.
"No no no. Kaming tatlo lang nina Greg and Sean. Walang alam sina Anais, Natasha at Corinne. Ayaw namin silang mapahamak kaya kung pwede sana wag mong sasabihin kay Natasha."
BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
General FictionEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...
