eytin

11 1 0
                                    

Euphee's POV.

Ring.....🎶🎶🎶🎶🎶🎶 Ring....🎶🎶🎶

Istorbo na naman to sa pagtulog ko.
Pagtingin ko sa orasan ko ay ala una pa lang ng madaling araw. Dinampot ko na ang phone ko sa may bedside table.

"Hmmmm". Wala pa ko sa wisyo magsalita eh.

"Hello, Euphee hahahaha sorry sa paggising ko sayo pero kailangan mong pumunta ngayon dito. Meron kasing bentahan na magaganap na walang permiso ni Dad. Nalaman lang kanina ni Renz." Biglang nagising ang diwa ko sa mga sinabi ni Greg.

"Okie pasundo na lang ako kay Sean." Hindi ko pwedeng gamitin yung kotse ko kasi mag-iingay yun.

"Copy" yun lang ang isinagot ni Greg bago niya binaba ang tawag.

Sabi na eh, may traydor talaga.

Nang mahismasan na ako ay inihanda ko na ang mga baril at bala na kakailanganin ko.

Next ang aking susuotin. Wala naman kasi kaming uniform ng mga kagaya sa Men in Black ni Uncle. Kaya kahit anong trip naming suotin pwede.

Isinuot ko muna ang aking garter belt panties at ang aking thigh knife holster sa kanang binti ko.. Isinuksok ko na rin ang mga kutsilyo at ang aking back up na baril. Sunod naman ang napili kong Black halter top at skater skirt ko.

Hindi na ako nag abala pang maglagay ng Make up kasi naka mask naman ako. Ginawa ko na lang na high ponytail itong buhok ko. And then my black high heeled boots.

Maya maya lamamg ay dumating na si Sean gamit ang kaniyang Lexus.

"Wow ganda ng porma natin ah."

"Siyempre!"

"Gaging mga to. Patulog pa lang ako, kainis!" Halata sa mga mata niya na inaantok na siya.

"Saan daw ba magaganap yung bentahan?"

"Dito lang sa malapit, basta sa tantiya ko andun na tayo in 10 mins." Tumingin naman ako sa relo ko.




"Tama lang ang dating ninyo at na late yung mga Customer nilang intsik. Halos kakarating lang din nila."Hinawakan naman ni Greg ang kaniyang communication device na nakakabit sa kanyang tainga. "Renz ano nang balita?May iba pa bang tauhan tong Intsik na to?"

Inilagay na rin namin ni Sean ang communication device namin para marinig na rin namin si Renz.

Nasa ikatlong palapag kami dito sa abandonadong building kaya natatanaw namin sila mula rito.

"Meron po Young Master, may Sniper sa kabilang Building. May tatlo ring paakyat sa ikalawang palapag kung san kayo nakapwesto. Meron din akong nakikitang dalawang itim na van na kakarating lang mga 500 meters mula rito. Meron ding puting Van, na sinakyan ng mga Intsik." Sabi ni Renz. Nasa hideout siya.

"Marco, kayo ng bahala sa mga yan".- Greg

"Opo , Young Master" - Marco

"Euphee pumunta ka na sa tuktok ng building na to. Ikaw na ang bahala sa Sniper ng kabila. Sean, tayong dalawa ang bahala sa paparating dito at huhuli sa mga gagong yan". Gagawa na nga ng kalokohan ang tatanga pa. Hindi nila naisip na baka maisahan sila mga customer nila. Tsk, amateurs.

"Yes, Young Master". Siyempre kahit naman magkakaibigan kami kailangan pa rin namin magbigay galang sa susunod na Master ng Mafia Arcadios.

Nauna na akong umalis sa dalawa para pumwesto na sa taas.

Mabuti naman at madilim ang building na to. May suot lang kaming shades na pwedeng makakita sa dilim. Ang problema ko lang ay may ilaw na sa rooftop. Siguradong makikita ako ng sniper sa kabila kaya kailangan kong mag-ingat.

The Leader: Nickolaus AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon