Euphee's POV
"Where do you think you're going?" Shit! Akala ko ba tulog to?
"Ahhhmmmmm akala ko kasi tulog ka eh. Dinalhan nga pala kita ng pagkain".
"Hey....hindi mo ba ako susubuan?". Nakatalikod kasi ako sa kaniya. Nahihiya pa nga ako sa kaniya eh.
"Di mo ba kayang kumaing mag-isa?" Sana naman kaya niya.
"I can't". Kita naman sa mukha niya na nahihirapan siya. No choice bumalik ulit ako sa pwesto niya at naupo sa silyang malapit sa kama niya.
"Aren't you gonna face me? How can you feed me if you sit like that?" Nakatalikod kasi ako ng upo.
Teka lang naman mga beshie. Hindi ko pa siya talaga kayang harapin eh..... kasi maaalala ko yung kiss beshie. Isa pa hindi niya ba ma feel na na o-awkwardan ako sa kaniya?
"Come on I'm hungry." Ano ba yan?! Bakit ba hindi ko siya matiis?
Inhale..
Exhale.....
Wooh!!
Humarap na ako sa kaniya at sinubuan ko na siya.
Nakaka limang subo na siya ng magsalita siya ulit.
"Nakaharap ka nga pero di mo naman ako tinitignan." Dami namang demand ng Poging to. Hinarap ko naman siya at pinagtawanan niya naman ako.
"Bakit ka naman biglang tumawa?!"
"You're face. Namumula ka. You remember my kiss right hahahaha?" Ene be!! Bakit siya ganito. Naging mabait na ba siya sakin kasi nabugbog siya?
"Che! Wag ka nga nahihiya na nga ako eh. Dapat pala nabubogbog ka lagi ni Coltier para naman hindi mo na ako sungitan."
Bigla siyang tumigil sa pagtawa at nag seryoso pati yung atmosphere naging heavy na.
"I'm full. You can leave now". Hala!! Ni hindi pa nga ubos yung pagkain niya.
"Nakaka limang subo ka pa lang. Ubusin mo muna to". Pinaghirapan ko pa naman tong Arozcaldo.
"I said leave!" Medyo lumakas na ang boses niya. Nagulat naman ako sa ginawa niya pero agad kong linigpit ang pinagkainan niya at umalis na sa kwarto na yun.
Pumunta ako sa likod ng bahay namin at ipinakain ko ang pagkain sa Aspin naming si Son Goku. Kulay brown siya at maganda amg balahibo niya. Aspin pero may lahi.
"Sige lang kain lang ng kain Goku." Hinintay kong ubusin ni Goku yung pagkain niya para mailabas ko siya. Kainin mo na rin pati sama ng loob ko! Naman ne. Nag effort ako dun eh.
Dinala ko dito sa park si Goku. Agad naman siyang linapitan ng nga bata sikat kasi si Goku dito.
"Ate Euphee bakit ka po Sad?"tanong ni Elsie
"Ah wala naalala ko lang yung natapakan kong ipis kanina kawawa eh" palusot ko na lang.
"Bakit di ninyo po kasama sina Paul at Elsie Ate?".
"Ayyy! Oo nga no? Nakalimutan ko kasi silang ayain. Hayaan ninyo sa susunod sasama ko sila."
Nagpakitang gilas naman si goku sa pagpapakita ng mga tricks niya sa mga bata.
Pagkatapos ng show ni goku ay hiniram siya ng mga bata para laruin. Hindi naman siya nangangagat mabait kasi na aso yang si goku.
Naupo naman ako sa pinakamalapit na bench. Para mabantayan ko pa din sila.
Bakit kaya bigla na namang siyang nag sungit? Daig niya pa ako kapag may dalaw. Wala naman talaga akong nasabing masama.
Shit!!! Hindi kaya....... hindi masarap yung luto ko?! Baka sobra o kulang sa alat? Pero tinikman ko naman yung luto ko bago ko siya dinalhan nun eh.
BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
Ficción GeneralEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...
