Warning: medyo Spg. Medyo lang kaya wag mag expect kaya tayo nasasaktan eh....Pasensya na di ako magaling sa mga ganiyan.... Bata pa kasi ako. Bata isip nga lang
Euphee's POV
Pumunta na lang ako sa pinakamalapit na bar at uminom.
Naiganti ko na rin sa wakas si Pogi.
Ayoko pa kasing umuwi kaya naisipan kong pumunta sa isang bar.
Matawagan nga ang mga beshie.
Kinapa ko ang mga bulsa ko at ang handbag na dala ko. Naiwan ko pala yung phone ko sa bahay. Sana lang hindi umuwi si Dadsy dahil paniguradong mapapagalitan ako ulit.
Naupo ako sa bar stool at um-order ng pinaka matapang nilang alak. Ayaw pa nga akong bigyan ng bartender dahil hindi ko daw kakayanin pero sinamaan ko siya ng tingin kaya sinunod naman niya ang sinasabi ko. May mga lumalapit sakin para ayain akong magsayaw pero tumatanggi ako. May nag-aaya pa nga na sumama daw ako sa kanila at matitikman ko daw ang langit. Kaya ayun binugbog ko. Tiyak na nananaginip na siya tungkol sa ibat-ibang uri ng Clouds.
"Anak ka ng tatay mo talaga Eupheemia. Andito ko lang pala." Napatingin ako kay Sean. Kasama niya rin si Greg.
"Oh? Bakit andito kayo? Panon ninyong nalaman andito ako? Aray!!" Binatukan ako ni Greg. Susuntukin ko na sana siya pero mabilis niyang nahawakan ang kamao ko.
"Galing kaming race track nakita namin si Drei dun. Sabi niya nakita ka daw niya. Loko ka, kanina ka pa hinahananap ng Momsie mo. Pinahanap ka na niya samin. Pati si Captain sasama sana siya para hanapin ka kaso hindi siya pinayagan ni Tita dahil hindi pa daw magaling yung mga sugat niya"
"Weh? Hinahanap ako ni Pogi? Sabi ko na eh, lab niya na rin ako".
"Ewan ko sayo. Bakit nga pala nasa inyo si Captain anong nangyari?" At ayun na nga kinwento ko na sa kanila kung ano ang nangyari.
"Ayun naman pala. Halika na nga ihahatid ka na namin. Anong oras na lagot ka kay Tito kapag nalaman niyang inumaga ka na naman ng uwi." Natakot ako ng very slight pero hindi nila ako napilit na makauwi dahil ayoko pa talagang umuwi.
Sa huli ay napadesisyon nila na ipapaalam na lang nila kay Momsie kung nasaan ako. Alam naman nilang kaya ko ang sarili ko.
Naka 3 bote pa ko ng mapagpasiyahan kong umalis na sa lugar na yun. I'm a heavy drinker pero di ako nalalasing agad. Thanks to my mafia training.
Nagikut-ikot pa ko bago ko napagpasiyahang umuwi sa bahay.
Siguradong pagagalitan ako niyan. Naku! Kung andito si Dadsy siguradong beast mode agad yun. Sana wala pa siya at tulog na silang lahat.
Alas quatro y media na pala ng madaling araw ng makauwi ako sa bahay. Iniwan ko sa likod ng bahay namin yung Lambo ko.Nag ala spiderman ako sa pag-akyat ng pader papunta sa terrace ng kwarto ko.
Nararamdaman kong may ibang tao sa kwarto ko. Kaya naging alerto ako.
Nakabukas ang pinto dito sa veranda kaya naman mabilis akong nakapasok. Kinapa ko sa dilim yung switch ng ilaw.
"Where the fuck have you been?!!" Nagulat ako sa lakas ng boses na iyon. Mabuti na lang at sound proof ang kwarto ko kasi kung hindi malamang gising lahat ng tao dito pati kapitbahay. Ganun kalakas ang sigaw niya mga Beshie.
Naku po!!! Ang aga naman ata para sa pandesal wala kasi siyang suot na pang-itaas.
Dinaanan ko lang siya para kunin yung nakasabit na tuwalya ko. Nanlalagkit na kasi ako kaya kailangan ng maligo.
"You're drunk aren't you?" Patay naamoy pala niya. Hindi naman ako lasing. Pagod lang at gusto ko lang talagang maligo.
Hindi ko siya pinansin at tuluy-tuloy na pumasok sa banyo ko. Kailangan panindigan ko ang pandededma ko sa kaniya. Pabebe muna tayo ng slight lang. Gold yarn?!
BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
General FictionEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...