twenti

19 0 0
                                        

Euphee's POV

Naglalakad kami papuntang Arcade ng biglang nagsalita si Elsie.

"Ate, gusto ko po nun" tinuro niya yung dress.

"Sige baby, tatanong natin kung mayroon sa size mo".

"Nick, kung gusto niyo mauna na kayo sa Arcade ni Paul".

"Nick? I thought you prefer to call me Pogi?" At sumilay ang makalaglag panty niyang ngiti. Ay wag ganun!

"Eh, keshe nemen. Why so Pogi?" teka yung panty ko baka nalaglag na ng tuluyan.

"Let's go, bilhan na natin ng damit ang kapatid mo". Nauna na silang pumasok sa boutique na tinuro ni Elsie. Siya na rin ang nagtanong kung may Size bang kasya kay Elsie.

"May pambata daw sila na ganito."

"Yehey!!!! Ate buy ka na rin nun. Para parehas po tayo." Pumayag na lang ako sa gusto niya.

"Sige po, magsusukat kami". Sabi ko sa sales lady.

"This way po maam" ano nauna na siyang maglakad.

"Ikaw na munang bahala kay Paul". Bilin ko sa kaniya bago namin sinundan si Ateng sales lady.

Nick's POV

Pinaupo naman nila kami sa sofa habang hinihintay naming magsukat sina Shorty.

"Napakaganda naman ng asawa at mga anak mo Hijo." May katabi pala kaming Lola. Kapansin-pansin na may ibang lahi ang matanda.

"Nagkaka-"

"Madame tara na po, andito na po ang driver ninyo at pinapasundo na po kayo ni Boss". Tawag sa kaniya ng isang lalaki.

Inalalayan siyang makatayo nung lalaking tumawag sa kaniya.

"Mauuna na kami Hijo, alagaan mong mabuti ang pamilya mo. Alam kong mga bata pa kayo ng asawa mo pero maraming taon naman ang pagsasamahan ninyo". Binalingan naman niya si Paul.

"Kagwapo mo namang bata".

"Thank you po Lola. Ingat po kayo, ba-bye po".

"Napakabait mo din palang bata, palagi kang makikinig sa Mommy at Daddy mo ah".

Tumango-tango pa ang bata bago nag salita ng "Opo".

Naiilang ako sa klase ng tingin na binibigay sakin ng matanda. Para bang kinakabisado niya ang buong mukha ko.

"Kamukha mo talaga siya". Napakunot naman ang noo ko sa bulong niya dahil hindi ko ito masiyadong narinig

"Pardon?"

"Madame, kailangan na po nating umalis para sa check up ninyo".

"Paano, Hijo aalis na kami".

"Mag-iingat po kayo Lola". Kinausap muna ng Matanda yung Cashier bago siya tuluyang umalis. Napagkamalan pa kaming mag-asawa ni Shorty panigurado kung nandito siya magtatatalon siya sa tuwa.

Nagkwentuhan pa kami ni Paul at marami akong nalaman sa kaniya bukod sa mahilig siya sa mga kotse ay mahilig din siya daw sila ng Ate niya na mag-laro ng PS5 at manuod ng Anime.

"Sir, okay na po ang asawa at anak ninyo. Pwede ninyo na po silang tignan".

"Okay, Where are they?" Itinuro naman niya kung saan. Hinayaan ko na lang sila kung ano ang gusto nilang isipin.

"Wow ate pareho po tayong pretty".

"Siyempre naman, apir". Napansin nila siguro ang aming presensya.

"Kuya Pogi, ang Ganda po ng Ate namin di ba?".

"Of course" mas lalo namang namula ang mga pisngi niya.

The Leader: Nickolaus AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon