Euphee's POV
"What the! Are you alright Euphee? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Greg.
Sa Mini Garden dito sa school ako dinala ng mga paa ko.
Dito kasi madalas tumambay sina Greg at Sean dahil tahimik dito at masaraop daw matulog.
"Greg....". Inaakap lang ako ni Greg.
"Sige iiyak mo lang.. kapag okay ka na handa akong makinig".
Kinuwento ko kay Greg kung ano ang nakita ko.
"Mag best friend nga tayo pareho tayong sawi".
"Bakit di na lang kasi kayo maghanap ng Iba? Madami diyan" singit ng isang itlog.
"Tsismosong to. Kanina ka pa siguro andito".
"Yup! Narinig kong lahat yung sinabi mo Euphee." Lumapit naman siya sa amin."Tama na yan halina kayo gutom na ako. Tara na at mag kwek kwek". Pag-aya pa ni Sean samin.
Nagliwaliw pa kami nina Sean at Greg may dalawang oras pa kasi bago ang next class namin. Yung tatlo kasi nasa kaniya-kaniyang club.
Bwisit na surprise quiz na yan. Natuyo utak ko sa kakaiisip. As usual huling-huli na naman ako sa classroom at iniwanan na ako ng mga magagaling kong kaibigan. Lunch break na kaya dumiretso na sila sa cafeteria.
Iniligpit ko na ang mga gamit ko at ipinasa ko na ang 5 yellow pad, back to back na anwers with solutions ko.
Paglabas ko ay nakasandal si pogi habang may nakapasak na earphones. Kasama niya sina Drei at Lazarus.
Tuluy-tuloy lang ang lakad ko dahil nagrarambulan na ang mga cobra ko sa tiyan.
"Hey, can I have a minute?".
"Sige". Anong nakain nito? at hinintay pa talaga ako.
"Here's your phone". Kaya naman pala.
"Thank you pogi" nakita niya pala yung phone ko sa music room
"Listen, about what you s--" kinumpas ko ang kaliwang kamay ko sa kaniya para tumigil siya.
"Pwedeng next time na lang pogi? Gutom na kasi ako. Una na ako ha. Sayonara!!" Sa totoo lang ayokong maalala ang nakita ko sakit sa heart mga beshie sa tuwing naaalala ko yung miracle in cell number seven nila ni Ursula. Taena wala akong pake sa pangalan kung sino man yun.
"Wait. I'll treat you lunch" ako naman ang napatigil.
Nick's POV
"Saka na siguro pogi. Salamat na lang sige na ba bye".
What the.....
Did she ... She turned down my offer? She didn't even bother to look at me.
I thought that she will say yes immediately because she loves to eat.
I just watched her as she continues to run.
"Tang ina dude. Hindi ba't habol ng habol sayo yan? Nauntog na ata si Liit. Biruin mo tinaggihan ka agad-agad. Ni hindi man pinag-isipan. Hahahahaha" I swear I'm gonna punch Drei."Mukhang galing ata sa iyak yang si liit. Namumugto yung mata niya pati ilong namumula".
Shit!! Bakit ba ko nagi-guilty.
"That's enough Drei. Pinapatawag na tayo ni Coach. Let's go". Pag-aya sa amin ni Lazarus.
Euphee's POV
Arcadios' Mansion
Hay.... busog na busog na ako.
"Hija gutom ka pa ba? Heto kumain ka pa" binigyan pa ako ng rice ni Uncle Steven. Nag sanay kami sa hideout at dito na ako pinagdinner ni Uncle.
Nandito ako kina Greg nanginginain ng dinner nila.
BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
General FictionEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...