sikstin

16 0 0
                                        

Euphee's POV

Magaling nga tong si Gago. Nakaka dalawang laps na kami. Limang laps kasi ang usapan namin.

Nauuna ako sa kaniya. Pero napapansin ko sa side mirror na papaliit na ang distansiya namin. Shit! Hindi ako pwedeng matalo, dito nakasalalay si Ningning. Hindi niya pwedeng makuha si Ningning!! Cannot be!!

Nakikita ko na ulit ang finish line. Okay tapos na ang pang apat na lap. Pusang kinalbo naman! maabutan na ako. Diniinan ko pa lalo ang pag-apak ko sa gas pedal pero nasusundan niya pa rin ako. Ipinihit ko ang manibela papuntang kanan para maka-liko.

"Tang'na ! Naunahan na ako ni Gago. Hmph!". Naisatinig ko. Binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbo para makahabol siya.

Ilang sandali lang ay naunahan ko ulit siya. SHIT! ginitgit niya ako. Putya! Hiniram ko lang to eh!

Nag focus na lang ako para malampas ko siya

"Hmph,kala mo ha?!" lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo pero nakakahabol pa din siya sakin.

Okay nalampasan ko na ulit ang finish line. Last lap na.

Greg's POV

Sinasabi ko na nga ba at mangyayari to. Kung bakit ba kasi ang tigas ng ulo ni Euphee. Andito kami sa may harap ng projector, kami nina Sean, Lazarus, Drei at si Captain pinapanuod ang karera. Walang duda magaling pa rin siyang magdrive pero yung kalaban niya madaya, talagang ginigitgit na siya. Muntik na nga siyang mabangga sa pader mabuti na lang at nagawan niya iyon ng paraan. Naniniwala akong kayang-kaya niyang manalo ngunit hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa kaniya.

Tinignan ko muna sandali yung mga kasama ko. Tutok na tutok sila sa panunuod. Napadako ang tingin ko kay Captain. Seryoso siya pero nakakuyom na rin ang kanang kamao niya. Mukhang tinamaan na to, ayaw pang umamin.

Euphee's POV

Nahabol na naman niya ako. Kainis naman!!! Wooh! Kalma Eupheemia Rayn Brillante.

Inhale...

Exhale...

Binilisan ko pa ulit ang pagpapatakbo nitong Kotse. Para sa Lamborghini at kay Ningning kailangan manalo ako.

Eto na... natatanaw ko na ang finish line at ang mga tao na nakaabang sa gilid.

Nakita ko na sina Greg at si Pogi. Mas lalo tuloy akong ginanahan. Nahabol ko na siya halos magkatabi na kami. Mukhang hindi talaga papatalo ang isang to.

Sabay naming narating ang finish line. Ngayon ipapaubaya na lang namin sa mga camera kung sino ang nanalo.

Ipinark ko malapit kina Greg yung Kotse.
Pagkababa ko pa lang ay biglang buhos ang ulan.... ulan ng mga katanungan. Halos pare-pareho lang naman ang tanong nila kung okay lang daw ba ako. Si Sean naman tinanatanong kung may pambayad daw ba ako sa pagpapagawa ng Kotse ni Lazaruz. Seriously?! yun talaga ang concern niya. Binatukan naman siya ni Greg. Si Nick naman tahimik lang sa tabi.

In-announce na nung Emcee na okay na daw yung video kaya naman tumutok kaming lahat sa projector. Makikita mo na talagang sabay kami ni Coltier yun daw kasi ang pangalan niya. Nung ini-slow motion na nila kitang-kita na nauuna ang Ferrari ni Lazaruz. Yes!!!! Sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako sa bandang kanan ko. Paglingon ko si Nick pala. Hmmm bango-bango feel na feel ko ang pagiging Champion!!

"Ah Euphee, tama na yan okay tama na. Tama na ang panananching mo kay Nick". Kainis tong si Drei. Epal din. Tinignan ko naman siya ng masama at tatawa-tawa naman siya.

Umalis naman ako sa pagkakayakap ko kay Nick. Nginitian ko pa siya pero blangko lang ang expression ng mukha niya. Hala! Ano kayang meron dito sa poging lalaking 'to?

The Leader: Nickolaus AidenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon