Euphee's POVDali dali akong napabangon ng marinig ko ang alarm ng cellphone ko.
May pasok na nga pala. Di bale isang taon na lang naman ako magtitiis at makakagraduate na ulit ako sa kolehiyo. Yes ulit, nakatapos na akong ng Accounting technology ngayon naman ay Accountancy na.
Anyways, pumunta na ako ng banyo para makaligo at gawin ang morning rituals ko.
Since 1st day pa lang naman ng klase pwede naman wag mag uniporme.
Pagkatapos kong mag bihis ay naglagay lang ako ng pulbos at lipstick hindi naman kasi ako marunong make-up at I was born beautiful naman eh scratch that--- a goddess to be exact. Sina Corinne at Anais lang naman ang nag-impluensya sakin mag-lipstick kaya ayun "lipstick is life" na rin ang isa sa mga motto ko.. Natural naman na rosy ang mga cheeks ko kaya naman salamat po sa mga ninuno ko.
Sakto namang palabas na ako sa kwarto ko ng tawagin ako ng mga kapatid ko para mag-almusal.
"Ate baba ka na kakain na daw po tayo sabi ni Momsy." Pagyaya ng kapatid ko na si Paul. 4 yrs. Old pa lang ito at super bibo nitong bata.
"Ate bilis na bahala ka uubos namin ni kuya Paul yung mga foods sige ka" singit naman ng kapatid kung si Elsie kakambal niya si Paul matanda lang ng 3 minutes si Paul sa kaniya. Siya ang baby bunso namin.
"Bababa na si Ate wag ninyo ko ubusan ng foods mga panget!"sabi ko na lang sa kanila. Narininig ko na lang ang papalayong tawa ng mga kapatid ko. Kukulit talaga ng mga yun.
Pagbaba ko nakita kong kumpleto na sila sa dining. Nasa pinaka dulo si Dadsy, as usual hindi siya makapagbasa ng diyaryo dahil kinukulit siya ng bunso namin. Minsan kasi sinusumpong ng pagka brat si Elsie tinatamad kasi itong kumain mag-isa kaya nagpapasubo pa. Si Momsy naman ay kakaupo lang dahil nagtimpla pa siya ng kape para sa kanilang dalawa ni Dadsy. Katabi niya si Paul na titig na titig na sa mga pagkaing nakahain na sa lamesa. Di pa kasi pwedeng kumain hangga't di pa nakakapag dasal.
"Good morning everyone 😁😁😁" bati ko sa kanila with a smiling face siyempre dapat simulan ang araw with good vibes.
"Maupo ka na anak at gutom na gutom na tong mga kapatid mo." Sabi ni Dadsy.
"Opo." Sagot ko naman.
After mag lead ng prayer ni Dadsy ay nagsimula na kaming kumain. Walang sinayang na oras si Paul at kinuha niya ang mga pagkaing gusto niya.
"Baby ang dami naman niyan. Kaya mo bang ubusin lahat yan?" Tanong ni Momsy sa kaniya.
"Ofcourse Momsy I'm a big boy na po. Sabi ni Dadsy dapat madami daw ako kainin para mag grow po ako. Si ate kasi di po masiyado nag grow pero bakit po ganon madami naman pong kinakain si Ate diba? ". Inosenteng pagkakasabi ni Paul. Grabe talaga tong si Dadsy kahit kailan. Nakita kong natatawa pa siya habang sinusubuan ang bunso namin.
"Dadsy may problema ba tayo? Momsy may problema ata sa mga maliliit si Dadsy." Lagot ka ngayon Dadsy. Hindi din pinalad sa height si Momsy yan ang namana ko sa kanya pero the rest kay Dadsy na. Sabi nga nila para kaming pinagbiyak na arinola kung titignan mo kasi ako, girl version talaga ako ni Dadsy. Si Paul Little version ni Dad at si Elsie well halo. Lakas ng dugo ni Dadsy.
"Hayaan mo anak maganda naman ang lahi natin." That's my Momsy.
School.
Kakadating ko lang sa school tiyaka ko lang napansin na naiwan ko yung ID ko. Nakakainis, kahit kelan talaga makakalimutin ako. Don't cha worry I can handle this.
Tingin sa kaliwa check.
Tingin sa kanan check.
Hanaping mabuti si dragona- eto yung sekyu ng school na wagas manita at sobrang sungit!
Binilisan ko na ang pagpasok sa gate buti na lang isa lang yung sekyu at may kausap pang prof. De swipe kasi yung ID namin dito. Maswerte pa din ako ngayong araw na ito.
Habang naglalakad ako papunta sa meeting place namin ng mga kaibigan ko ay panay tingin ng mga tao sakin lalo na ang mga boys. Ayoko pa naman ng mga ganiyan parang mga cctv ang peg.
"Oh ayan na pala si Euphee. Ganda naman." Si Sean Isa sa mga guy friends namin. Naka all black outfit kasi ako ngayon.
"Maliit na bagay. Magandang araw mga Marites kong Kaibigan"
Sabay-sabay namang nag roll eyes ang mga beshie ko."Duh. Hindi kami nag papakalat ng fake news dito. Kusang lumalapit ang chismis satin" defensive na sabi ni Natasha.
"Yung damit ang maganda. Hindi ikaw" singit naman ni Greg na ikinatawa ng lahat.
"Pakyu ka!" sabay batok kay Greg.
Nag-aya na akong pumunta sa classroom. Naka abrisiyete naman ako kay Greg habang naglalakad.
"Yan tayo Euphee. Para paraan ka din kaya kayo napag-kakamalang mag shota". Asar naman samin ni Corinne. Akala ng iba ay mag jowa kami pero Alam naman ng kaibigan namin na di kami talo nitong si Greg no, may gusto yan kay Anais pero itong mokong na to masiyadong torpe. Si Anais naman may pagka manhid.
As usual boring pag 1st day kaya nag sound trip muna ako medyo inaantok din ako. Nag marathon kasi ako ng Gintama kagabi.
Maya maya pa ay tinapik na ako ni Anais para gisingin. Wooh!! I feel fresh mahaba haba din ang naidlip ko. Andiyan na kasi yung Prof namin.
"Good morning class get a 1/8 sheet of paper. Right your name, section and CP number. Pagtapos na kayo ipasa ninyo sa inyong harapan. May seating arrangement kayo." Ng dahil sa sinabi ni Prof madami ang naiinis dahil nabulilyaso ang cheating arrangement ng mga kaklase namin. Okay lang naman sakin kahit saan ako maupo wag lang sa pinaka harap. Inaantok kasi ako minsan errrrrr madalas.
Pinass na namin yung mga papers namin at in-arrange naman ni maam. Maya maya lang ay tinawag na niya kami isa-isa.
"Brillante" hay............. binitbit ko na ang bag ko at pumunta na sa magiging pwesto ko para sa sem na to. Sa pangalawang row sa may right side malapit sa pinto ang pwesto ko bali by 3 chairs kada side at sa gitna ang pwesto ko. Na gets ninyo ba? Ah basta di ako magaling mag-explain.
Di ko namalayan na tapos na si Prof sa pagsesermon. Busy kasi ako sa pagdu-doodle kay prof. 1st day na 1st day ay may activity agad.
Kukuha na sana ako ng papel at ballpen sa bag ko ng magsalita yung nasa kaliwa ko.
"Miss can I have a piece of paper?" And that moment naturete ang utak ko. Literal na tumigil ang oras at ang paligid ko. Alam na alam ko ang boses na yon.
Shit!!!
This sem will be so cool!!!

BINABASA MO ANG
The Leader: Nickolaus Aiden
Fiksi UmumEupheemia Rayn Brillante fell in love with Nickolaus Aiden Garcia. Too bad dahil lahat ng katangian na gusto ni Nickolaus ay wala sa kaniya. Medyo marami po akong binago sa Story gaya ng ilang mga eksena at mga pangalan so sa mga nakabasa na kailang...