terti por

5 0 0
                                        

Euphee's POV

"Huy!! Eupheemia Rayn! Anak ng.... ang dami ko ng sinabi dito hindi ka naman nakikinig." Nangigigil na yinugyog ni Natasha ang mga balikat ko. Ang sakit pa naman.

"Anong panis na pagkain ang nakain ninyo at idinamay ninyo pa ko sa contest na yan?! Oo alam ko naman na Diyosa ako pero hindi na dapat yun ipinangangalandakan. Ayoko hindi ako sasali nakakapagod lang ang mga ganiyan.". Hindi niya pinansin ang sinabi ko dahil basta na lang niya ako hinila palabas ng classroom

"Halika na nga. Baka ikaw na lang ang hindi magpeperform. Kailangan ikaw ang maging representative natin dahil siguradong si Nick ang mapipiling panalaban sa Mister siyempre dapat ikaw ang representative sa Miss no! Anais, Corinne bilis na! kailangan ng support nitong beshie natin." Bago kami tuluyang lumabas ay nagtawag pa talaga siya ng back-up. "Guys!! Dahil wala si Sir Enrique ngayon tara na at sumuportahan si Eupheemia". Hinatak na nila akong tatlo papunta sa music room.

"Teka, hindi ba pwedeng maupo muna ng 5 minutes?" Kakadating ko lang eh

"Bilis na"

Asan ang 5 minutes ko?!

Kaya pala wala kaming prof kasi andito sila kasama pa si Dean De Guzman.

Nakita ko si Nick na may kausap na lalaki, sa pagkakaalam ko taga kabilang section yun. Baka yun yung kalaban niya.

"O, Miss Eupheemia mabuti at magaling ka na. Tapos ng magperform ang mga boys kayo naman ang susunod na magpe-perform". Magpo-protesta pa sana ako kay Ma'am Rhea kaya lang nagmamadali siyang makaalis.

"Corinne ayoko talagang sumali." Pinandilatan lang niya ako at binigyan niya pa ko ng walang-atrasan-to look. Ayoko naman talagang sumali sa mga ganiyan.

Kasalukuyan ng sumasayaw si Shaine, taga kabilang section din. Tsk. Hindi naman magaling sumayaw. Dinaan lang sa cleavage ang performance kita kong luwa ang mga mata ng mga lalaki dito pati mga prof namin na lalaki.

"May chismax nga pala ako beshie, may bagong girlfriend na naman si Nick. Nawala ka lang ng isang linggo pero may nakalusot na sayo. Sobrang sweet nga nila Beshie eh. Lakas maka PDA ng mga yan dito sa Campus." anong klaseng pusit na naman kaya ang lumapit sa kaniya?

"Talagang ayaw mong sumali ah? O sige kapag umayaw ka automatic na si Shaine na ang magiging representative magiging kapartner niya rin panigurado si Nick" ininguso pa ni Natasha si Shaine kakaba lang ng stage at na nakikipag usap na ngayon kay Nick, pasimple pa niya itong pinalo sa may braso. Nakita ko naman na natawa si Nick. Humalik pa nga si Shaine kay Nick at nagsitilian pa ang mga nakakita sa kanila.

Tinamaan ako ng matinding selos. Sinungaling siya may pahintay hintay pa siyang nalalaman. Sige lang magpakasawa ka sa mga pusit na yan dahil kapag naging tayo na hindi ka na maghahanap ng iba.

Magbe-break din kayo sa 23 mga mahaharot!

Kumulo din bigla ang dugo ko sa nasaksihan ko. Hindi ako papayag na mapili si Shaine dahil make-up lang ang nagpapaganda sa kaniya. Ako dapat ang makuha dahil kung ganda lang naman ang paglalabanan ay mas lamang ako. Sure win na si Nick panigurado kaya kailangan na ako ang maging Partner niya.

"Bakit hindi mo agad sinabi. Anais kailangan ko ng back-up Halika ka na ikaw ang pianista ko. Corinne di ba magaling ka ring mag violin?" Tumango naman siya sakin nag thumbs up pa. "Natasha alam mo na ang gagawin mo dala mo ba yung tablet mo? Birahin natin agad ng pang grand finals na performance". Sakto naman na tinawagan na ako para magperform.

"I like that Beshie. Kapag hindi ka pa napili ewan ko na lang talaga". Sabi pa ni Corinne.

"Let's go beshies."

The Leader: Nickolaus AidenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon