terti seben

10 1 0
                                        

Euphee's POV

Patuloy pa din ang takbo ko para makapunta sa cashier, humahabol pa din ang mga men in black sakin. Maswerte namang walang nagbabayad dun sa cashier na may pang sampuan lang na bibilhin kaya nakapagbayad agad ako, inabot ko na ang 500 lumingon ako sa pinaggalingan ko. Naku po! Malapit na yung dalawang men in black.

"Keep the change na lang Ate". Nagtatakbo naulit ako.

"Teka lang Miss!" Masakit man sa kalooban ko na hindi kuhanin ang sukli pero hinayaan ko na lang. Pumasok ako sa isang boutique at pumili ng damit isang light blue na off shoulder dress ang hinugot ko. Naka ipit ang buhok ko kaya inilugay ko na lang ito. Naka puting converse naman ako kaya carry na.

Pagkabayad ay lumabas na din ako sa boutique, may mga men in black pa na palinga-linga sa paligid. Diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa boutique ni Lola Rowena.

Kilala na ako ng mga sales personnel sa loob kaya pinadiretso na ako sa opisina ni Lola.

"Lola!!" May kausap kasi siya sa phone. Agad naman siyang nagpaalam sa kausap at tumayo.

"Naku po, wag na po kayong tumayo. May dala nga po pala ako sa inyo." Inilabas ko sa paper bag yung Ice cream.

"Wow! Strawberry flavor. Paborito ko ito Hija". Napansin ko kasing mahilig sa strawberry si Lola lagi kasing may nakalagay sa isang maliit na glass bowl na may strawberry sa lamesa niya

Nagpakuha siya ng tatlong baso at kutsara. Nilagyan ninya pa ng maraming strawberry yung ice cream. Ipinatabi naman niya yung isang baso sa ref. Baka kakainin ni Lola mamaya.

Kinwento ko sa kaniya yung nangyari at tawa lang ng tawa si Lola habang nilalantakan namin itong Ice cream.

"At eto nga po ako ngayon Lola. Sulit naman kasi ang sarap nitong ice cream". Kala siguro nung lalaking yun hahayaan ko na lang yung ice cream na yun.

"Maloko ka talaga bata ka. Sana talaga ikaw na lang ang apo ko ang sarap mo kasing kausap at kasama."

"Hmmm.....ganito na lang po, habang wala pa kayong apo, ako po muna".

"Gustung-gusto ko yan. Napakabait mo talagang bata, pero wag mo nang gagawing yun sa susunod ah? Baka mapahamak ka."

"Hehe, opo Lola". Bumukas ang pinto at pumasok si Vin. Inalok ko siya ng Ice cream pero nginitian niya lang ako.

"Si Master po andito na." Sinong master kaya yun? Si Master buten o si Master Pogi?

"Sige na Vin, papasukin mo na ang anak ko. May ipapakilala ako sa kaniya, okay lang ba sayo yun Apo".

"Okay lang po" sabi ni Lola pogi daw kahit na may edad na eh. Baka pangit kasi wala namang pangit sa mga mata ng ating mapagmahal at mapag-arugang nanay.

"Ma, sorry kung natagalan ako. May nangyari kasi." Teka........ parang pamilyar yung boses niya eh. Nakatalikod kasi ako sa pinto kaya di ko pa rin siya nakikita hanggang ngayon.

"Its okay Son, may gusto akong ipakilala sayo."

Humarap ako..... pero nabwisit ako bigla.

"Ikaw!" Sabay naming sabi. Siya yung lalaking humablot ng Ice Cream ko. Ngumiti siya. Kikiligin sana ako pero naalala ko yung kanina eh. So, siya pala yung anak ni Lola. Hindi nga siya mukhang matanda. Super pogi pa nga eh.

"Magkakilala kayo anak?" Tanong ni Lola sa anak niya.

"Lola siya po yung kumuha ng Ice Cream ko." Sumbong ko kay Lola Rowena.

"Correction. Kinuha mo din." nakakapagtagalog din pala siya.

"Pero magnanakaw ka pa rin". Balik ko sa kaniya

The Leader: Nickolaus AidenMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon